Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luke Mejares, sobrang tuwa nang kuning ambassador ng Beautederm

VERY thankful si Luke Mejares sa CEO-President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan dahil kinuha siya nito para maging isa sa ambassador ng Beautederm.

Ani Luke, since 2010 ay suki na siyang kinukuha ni Rei na performer sa mga event ng Savers Appliance na rati nitong pinagtatrabahuhan.

 

“Naging friends kami ni Rhea simula 2010 noong nasa SAVERS Appliance pa siya at kumakanta na ako sa mga event ng Savers.”

Dagdag pa nito, “Tapos noong nagsimula ang Beautéderm ay kinukuha rin n’ya ako para kumanta.”

Pero ngayong taon ang itinuturing nitong pinakabonggang nangyari sa kanya dahil kinuha na siyang ambassador ng Beautederm, kaya naman  sobra-sobra ang pasasalamat niya kay Rei.

“Sobrang thankful ako sa kanya kasi malaking tulong talaga ang Beautéderm dahil may income sa pagbebenta ng products,” ani Luke. “Pati sa mga online show ng BDTV ay binibigyan n’ya kami ng trabaho,” dagdag pa ng singer.  

Bukod sa pagiging ambassador ng Beautederm, abala rin si Luke para sa mga online fundraising shows para sa mga musician na nawalan ng trabaho at sa mga maysakit.

“Online fundraising na shows para sa fellow musicians na nawalang ng trabaho & minsan din mag-raise ng funds sa maysakit,” pagtatapos ni Luke.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …