Monday , December 23 2024

PH nakakandado pero droga nakalulusot?

MARSO 15, 2020, ang petsang hindi malilimutan ng bawat Pinoy. Masasabing kabilang na ang petsa sa history ng Mahal Kong Bayan.

 

Sa petsang ito, ikinandado ang bansa – una’y ang National Capital Region (NCR), sumunod ang Luzon wide at saka isinailalim na rin sa quarantine ang Visayas at Mindanao.

 

Ikinandado ang bansa dahil sa nakamamatay na “veerus” – ‘ika nga ni Pangulong Digong. Ipinag-utos ang lockdown para masawata ang pagkalat ng COVID 19. Ngunit, tila bigo ang pamahalaan sa kampanya dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga pasyente ng COVID.

 

Pamahalaan nga lang ba ang bigo? Hindi, kung hindi ang isa sa dahilan nang hindi mapigil na pagtaas ng COVID infected ay dahil sa katigasan ng ulo ng nakararaming Pinoy na ayaw sumunod sa health protocols.

 

Ops teka, nabanggit ba natin na ikinandado ang Filipinas simula noong 15 Marso 2020? Yes mga suki. Ngunit hindi ba ninyo napuna na sa kabila ng pagkakandado ng bansa ay namamayagpag pa rin ang bentahan ng droga?

 

Katunayan, hindi lang maliitan ang mga nakokompiska sa iba’t ibang drug operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) kung hindi kilo-kilo o milyon-milyong halaga ng salapi ang nakompiska.

 

Bagamat, saludo tayo sa PNP at PDEA dahil ang mga matagumpay na malakihang operasyon ng dalawang ahensiya ay marka ng hindi pagpapabaya sa direktiba ni Pangulong Digong laban sa droga.

 

Ngunit sa isang banda, hindi ba natapagtataka ang lahat…ibig kong sabihin, sa kabila ng nakakandado ang bansa lalo na ang mga lagusan palabas at papasok, nagkalat pa rin ang droga. Take note, hindi lang gramo-gramo ang nagkalat sa lansangan kung hindi milyones ang halaga ng nakokompiska.

Ang milyones o bilyon pa yata na halaga ng mga droga na nakompiska ngayong nakakandado ang bansa ay masasabing marka pa rin na nakalulusot ang droga sa bansa. Paano nakapasok ito kung sarado naman ang mga lagusan – mga airport at pier?

 

Maaaring galing sa labas ang mga droga at patuloy na nakapupuslit papasok sa bansa pero paano nangyari iyon? Simple lang iyan, may maimpluwensiya na nasa likod nito.

 

Pero kung ang sasabihin naman ng PNP at PDEA na malabong galing sa ibang bansa ang mga droga dahil nakakandado ang mga lagusan, e saan nanggaling ang mga droga?

 

Kung hindi galing sa labas, ibig bang sabihin nito na mayroon pa rin mga existing shabu labs sa bansa? Pero tiniyak ng PDEA na wala nang shabu lab sa bansa.

Naniniwala naman tayo sa PDEA sa  pagsasabing wala nang nakapagluluto ng shabu sa bansa pero saan nanggaling iyong mga nakompiska kamakailan – iyong sa Quezon City ay umaabot sa P27 milyon habang P244.8 milyon naman sa Parañaque na nakuha sa dalawang Chinese drug traffickers na napatay sa operasyon.

E ‘di ba mayroon din anti-illegal drug operation na nangyari kamakailan sa Marilao, Bulacan. Halagang P5.1 bilyon ang nakompiska.

 

Ngayon, saan galing ang mga drogang ito? Sarado ang mga lagusan, wala nang nagluluto sa bansa…so, paano nangyari ito sa kalagitnaan ng community quarantine na ipinaiiral sa buong bansa?

 

Iyan ang dapat pang kalkalin ng PNP at PDEA. Hindi dapat maging kampante ang dalawang ahensiya sa magagandang accomplishments nila at sa halip, alamin kung sino ang mga nasa likod ng pagkakalusot ng droga sa bansa sa kabila na nakakandado ang Filipinas.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *