BUKOD sa malawakang pagtulong sa nasasakupang distrito ng Quezon City, isinisingit din ng kongresistang si Alfred Vargas ang pag-eehersisyo.
Kuwento ng kongresista sa 24 Oras, napansin niyang medyo tumataba na siya simula nang nagkaroon ng pandemya kaya naman agad siyang nag-ehersisyo para pumayat at para na rin sa kanyang kalusugan.
Nakuha naman ni Alfred ang gustong pangangatawan pero hindi pa rin niya nilubayan ang pag-eehersisyo para na rin mapanatili pang maganda ang katawan.
Tuloy-tuloy din ang pagtulong ni Alfred sa kanyang nasasakupan katuwang ang equally na masipag na kapatid na si PM Vargas na konsehal ng District 5.
MATABIL
ni John Fontanilla
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com