Wednesday , April 16 2025
Sipat Mat Vicencio

Cayetano hindi susundin ang term-sharing kay Alvarez

DAHIL sa pangyayaring hinatulan ng ‘kamatayan’ ang prangkisa ng ABS-CBN, masasabing lalong tumatag ang liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano at mukhang nasa posisyon ngayon na hindi sundin ang napagkasunduang speakership term-sharing kay Rep. Lord Allan Velasco.

Malinaw na pagsunod sa kagustuhan o kautusan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang ginawa ng Kamara kaya naisakatuparan ang pagsibak sa ABS CBN, at nangyari ito dahil na rin sa liderato ni Cayetano

Kung matatandaan, ang term-sharing ng leadership sa House of Representatives ay sa pagitan nina Cayetano at Velasco. Pinagkasundo sila ni Digong at binasbasan na unang manungkulan bilang speaker ng Kamara ay si Cayetano at pagkatapos ay susunod naman si Velasco.

Tatlong taon ang paghahatian ng dalawang kongresista, at sa darating na Oktubre, magtatapos ang liderato ni Cayetano at tuluyang papalit si Velasco bilang bagong speaker of the House of Representatives.

Pero dahil sa mga bagong kaganapan sa Kamara, mukhang hindi susundin ni Cayetano ang maginoong “deal” nila ni Velasco. Tiyak na ‘babalasubasin’ ni Cayetano si Velasco at pipilitin nitong hawakan ang speakership hanggang matapos ang kanilang termino sa 2022.

At para mapanatili ni Cayetano ang pagiging speaker, asahang kung ano-ano namang scenario ang palulutangin nito laban kay Velasco, at sa kalaunan ay hindi na makaporma ang kanyang kalaban at siya na ang tuluyang makapaghari sa Mababang Kapulungan.

Kung matatandaan, nitong nakaraang taon, mismong si Cayetano na rin ang nagsabi na mas gugustuhin niyang tapusin ang pagiging speaker hanggang 2022. At sa kabila ng napagkasunduang term-sharing, nakuha pang sabihin ni Cayetano na kokonsultahin muna niya si Duterte kung ibibigay niya o hindi ang liderato ng Kamara kay Velasco.

Malinaw na sa simula pa lamang ay hindi na payag si Cayetano sa term sharing. Mas gugustuhin niyang magpatuloy bilang lider ng House of Representatives at hindi kailanman ibibigay ang liderato kay Velasco.

At maituturing na trophy ni Cayetano ang ginawang pagsibak sa ABS-CBN. Mahirap ngayon mapahindian ni Digong si Cayetano sakaling hilingin nitong ipagpatuloy ang kanyang liderato at balewalain na lamang ang term-sharing sa Kamara.

Tuso o magaling na politiko itong si Cayetano. At asahang sa mga susunod na buwan, nasa ‘firing squad’ na itong si Velasco at hindi kayang salagin ang inaasahang mga bala na paka­kawalan laban sa kanya ni Cayetano.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *