Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

EP ng Pamilya Ko, inatake nang matanggap ang termination paper

DASAL at mabilis na paggaling ang ang hiling ng mga kaibigan, kamag-anak, at kapwa taga-ABS-CBN ni Mavic Holgado-Oducayen, EP ng afternoon show sa Dos, ang Pamilya Ko.

Ayon sa isang malapit kay Oducayen, inatake ang EP matapos matanggap ang notice mula sa HR na tanggal na siya sa ABS-CBN. Hindi nag-iisa si Oducayen sa nakatanggap ng termination paper sa Kapamilya Network matapos hindi i-renew ang kanilang franchise.

Ininda raw nito nang sobra ang nangyari sa ABS-CBN at ang pagkakatanggal sa kanya.

“Kaya nang matangap niya ng hapon ang termination, noong gabi inatake na,” anang isang taga-ABS.

Nasa isang ospital ngayon sa Quezon City ang naturang EP at kasalukuyang nakikipaglaban sa kanyang buhay.

Ang alam namin, matagal na sa Kapamilya Network si Ms. Oducayen kaya naman bukod sa Pamilya Ko, hinawakan din niya ang mga programang Lumayo Ka Man Sa Akin, Hiyas, Pintada, Angelito, Annaliza, Magphanggang Wakas, at Halik.

Tulad ng mga kaibigan at kamag-anak ni Oducayen, panalangin din ang aming hatid at hangad naming malampasan niya ang pagsubok na ito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …