BINIGYAN ng maling interpretasyon ng mga troll at basher ang isang post sa kanyang Facebook page ni dating QC Mayor Herbert Bautista na nagpapaalala ng pag-iingat sa Covid-19.
Bahagi ng post ni Bistek, ”Common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease.”
Isang netizen ang bumanat kay Bautista na ang mga frontliner ang pinatatamaan sa post niya.
Eh, nakalimutan marahil ng netizen na isa ring frontliner si Herbert dahil isa siyang reserved general ng Armed Forces of the Phillipines. Sa kanyang termino, nagpatayo siya ng ospital at isinaayos ang mga dilapidated na. Tahimik din siyang tumutulong sa mga biktima ng pandemya sa QC nang walang publisidad sa social media.
Kaya naman kaysa pansinin ang mga troll niya lalo na’t wala naman siyang pambayad, inabala ni Herbert ang sarili sa pagpi-paint at panonood ng Koreanovelas gaya ng The World of Married Couple, Vagabond, at Misty.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio