HALOS milyong Filipino ang nalungkot noong hindi na muling makakukuha ng prangkisa ang ABS-CBN.
Seventy mambabatas ang hindi sumang-ayon na muli itong makakuha ng permit na makapag-ere. Labing isa namang kongresista ang sumang-ayon dahil sa pagmamahal sa kahilingan ng mga tao na payagang makabalik muli ang Kapamilya.
Aminin man o hindi, malaki ang naitutulong sa pagbibigay sa mamamayan ng news at magagandang istorya, mapa-showbiz o news pa iyan lalo na sa panahong ito ng kahirapan.
Tatlong buwang lockdown ang mga tao sa bahay, sarado ang lahat kaya naman lungkot at paghihirap ang naranasan ng sinuman. Gumuho na nga ang ekonomiya gawa ng Covid, malaking tulong sana sa mamamayan ang makapanood man lang o makapaglibang sa kanila.
Bakit naman hindi inalis pa iyon ng 70 kongresista? Hindi ba sila nakaramdam man lang ng awa? Ang mga politio bang ito ay wala man lang kasambahay na mahilig manood ng telebisyon lalo pagdating ng gabi? Hindi ba sila nahahabag sa 11,000 workers ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho?
Baka sa puntong nagugutom na ang mga taong nawalan ng hanapbuhay ay baka makaisip ng masama.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales