Sunday , November 24 2024

Ronnie Liang, maglalabas ng tribute song para sa mga kawal

ANG singer at Army reservist na si Ronnie Liang ay maglalabas ng isang tribute song bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga kawal. Pinamagatang Awit Kawal, ito ay isang 80s song.

Ayon kay Ronnie, natapos na niya itong i-record at very soon ay magiging available sa Spotify, iTunes, at iba pang digital music platforms.

Tinatapos na niya ngayon ang music video nito, na ang highlights ay mga pagseserbisyo ng mga sundalo para sa bayan.

Saad ni Ronnie, “I am dedicating the song to all men and women in uniform who continue to fight and serve our country, who endlessly sacrifice their lives in the name of peace and liberty. Awit Kawal is so touching. Kung sakaling nakakalimutan na ng mundo ang mabubuting nagagawa ng army, this song will remind us all na Philippine Army is doing great job. Handang lumaban sa kahit anong laban.

“As army reservist, 2nd Lieutenant, kaisa ako sa panawagan na mabigyan ng hustisya ang apat na soldiers na pinatay ng Sulu cops. We should be helping and lifting each other.”

Si Ronnie ay nakiramay sa apat na sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo, Sulu.

“When they told me about the killing of four soldiers, sobra akong nalungkot. Very heartbreaking. They were just doing their job and purpose, tapos biglang ganoon na lang ang nangyari. I pray for their souls. I pray for their families. They were our heroes. I salute and honor them. We will never forget their names-Army Major Marvin Indammog, Army Captain Irwin Managuelod, Army Sergeant Jaime Velasco, and Army Corporal Abdal Asula. All of them died in the service of the country. They were good, dedicated men in uniform,” pahayag niya.

Recently, si Ronnie ay tumanggap ng dalawang awards mula Philippine Army, ang Meritorious Achievement Medal at Disaster Relief Rehabilitation Operation Ribbon bilang pagtugon sa call of duty sa paglaban sa COVID-19.

Ang kanyang mga ginawa na may kaugnayan sa COVID-19 ay pagtulong sa mga stranded medical workers, relief goods distributions, 30-day repacking ng relief goods para sa mga pamilyang apektado ng naturang virus, checkpoints sa Valenzuela City at NLEX Balintawak, at sa AFP Mobile Kitchen-Kapwa Ko Sagot Ko, na nagpakain ng 3000 to 4000 na homeless at less fortunate Pinoy.

“Para sa bayan, patuloy tayong magsisilbi. Kasi ang pagiging army reservist, hindi lang naman title iyan. It’s an obligation. It’s a service. You have to put your whole self and heart,” sambit pa ni Ronnie.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *