SOBRANG workaholic talaga ni Direk Romm Burlat. Kahit nasa kasagsagan pa rin ng COVID-19, humahataw na siya sa mga project niya. Sa ngayon ay nasa Isabela siya at nagsu-shooting ng pelikulang Pammati.
Inusisa namin siya hinggil sa kanyang latest movie.
Kuwento ni Direk Romm, “Pammati means pananampalataya, Ilocano dialect iyan. The movie, it’s about relationships with people who are being put into a positive light due to their faith in God.”
Actually, bukod sa prolific, si Direk Romm ay award-winning din bilang actor at direktor. Ang latest award niya ay Best Actor sa Tagore International Film Festival sa India, para sa Covered Candor (Tutop).
Nanalo rin siyang Best Actor sa Hollywood Blood Horror Film Festival and Best Actor Critics Choice award, Best Film sa Istanbul Film Awards in Turkey, plus sa Mammangi bilang Best Film sa Eurasia Film Festival sa Russia.
“So far, ten International awards namely: one Best Director award, apat na Best Actor awards, one Best Supporting Actor award, one Best Producer award and three Best Film awards. Plus the 20 awards & recognition for our film, Covered Candor (Tutop). Kaya sobrang saya ko. Despite the pandemic, sunod-sunod ang awards… Siguro magaling ang performance ko roon, kasi hindi lang isa kundi apat na sunod-sunod na Best Actor awards ang nakuha ko rito,” pahayag pa ng actor/director/producer.
Anyway, apat na shows ang dapat tutukan sa kanya. Kabilang dito ang It’s Entertainment, isang teen variety show hosted & directed by Direk Romm. Parang That’s Entertainment ito na tatampukan ng mga talented at cute na teens na mapapanood sa Manila Times TV. Plus, Of Critics & Critiques (every Saturday @ 4:00 PM), isang talk show na host si Direk Romm. Dalawa pa sa kanyang show na mapapanood naman sa Global TV Live – ang Lies, Camera, Action! at Direk To The Point, isang showbiz news magazine type na programa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio