Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Agot, na-nega sa pagpuna kay Jinkee

SIMPLE lang ang komento ni Gladys Guevarra sa topic ng lahat ngayon. Si Agot Isidro.

“Laki problema ni Agot  ”

LOOK: Agot Isidro had this comment about Jinkee Pacquiao’s post about their luxury bikes

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam. 

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?”:@agot_isidro

Pero, kailangan nga bang punahin pa ito ni Agot?

Buwan na ang binibilang ng maya’t mayang pagpo-post ni Jinkee Pacquiao sa kaalwanan ng buhay ng kanyang pamilya sa ngayon.

Sana, nababasa at nakikita rin ni Agot kung paanong suko hanggang langit naman ang maya’t mayang pagpapasalamat muna ni Jinkee sa Maykapal sa patuloy na pagbuhos ng biyaya Nito sa bawat miyembro ng kanyang pamilya.

Ang hindi na nga lang ipinagkakalat ni Jinkee ay kung ano ang ginagawa ng kanyang kaliwang kamay at sa kanan.

Siya at ang kabiyak ng puso ay pawang naging patuloy lang sa pagiging Good Samaritans nila yaman at Pastor na rin ito.

Eh, ano ba kung may His and Hers na Hermes Luxury Bikes ang mag-asawa?

Ang anumang nagaganap sa ikot ng mundo gayon eh, hindi natin pwedeng ibaling sa kung ano ang nangyayari sa buhay ng kapwa natin.

Kung si Agot ang naging si Jinkee, hindi kaya ipagpapasalamat din niya ang pagdating ng biyaya sa kanya?

More than the positive remarks na sumasang-ayon sa opinion n’ya ang mga tao, naging nega lang ang dating ni Agot sa pagpuna niya.

Sana sa mas makabuluhang mga bagay na lang mag-focus ang bawat isa.

Ako, nag-e-enjoy na makita ang magagandang salita ng Diyos na ibinabahagi ni Jinkee in her posts. Na sinasamahan niya ng mga larawan ng kanyang pamilya and the good life thay they have.

Inspiring nga. To see a happy family. Matapos ng mga dinaanan din nilang mga dagok sa buhay nila. Mga intrigang kinaya nila. And kept their family intact. Buo!

Esep-esep din! Hindi lang naman si Jinkee ang nagpo-post ng mga biyayang materyal sa buhay niya.

Tama si Gladys, ang laki nga ng problema ni Agot!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …