Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapuso stars, magsasama-sama para sa anak ni Super Tekla, sa One Heart for Baby Angelo

NAGKAROON ng benefit auction ang Bubble Gang star na si Lovely Abella noong Sabado (July 4) para makalikom ng pondo sa pagpapagamot ng anak ni Super Tekla. Ang kinita rito ay ibinigay niya kay Tekla na kasalukuyang nagpapagamot sa anak niyang si Baby Angelo na isinilang na may anorectal malformation.

Simpleng tulong para kay baby Angelo. May gamit ka na, nakatulong ka pa. May luxury and branded pero lahat authentic,” ani Lovely.

Tuloy-tuloy rin ang pagtulong ng iba pang Kapuso stars kay Tekla. Ngayong Martes (July 7), 8:00 p.m., magsasama-sama sina Aiai Delas Alas, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Kyline Alcantara, Ken Chan, Rita Daniela, Kristoffer Martin, EA Guzman, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Golden Cañedo, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Hannah Precillas, Jeniffer Maravilla, Boobsie, at Kim Idol para sa isang online fundraising concert, ang One Heart for Baby Angelo.

Sina Glaiza de Castro at Boobay naman ang magsisilbing hosts bukas ng gabi.

Sa mga nais magbigay ng donasyon, maaari itong ipadala kay Romeo C. Librada via BDO (Account No. 007920062982) at via GCash (09771355040). Para sa mga nasa abroad, ang bank swift code ay BNORPHMM.

Panoorin at suportahan ang One Heart for Baby Angelo bukas, 8:00 p.m., sa official Facebook pages ng GMA Network, GMA Artist Center, at YouLoL.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …