Friday , December 27 2024

Anti-Terror Bill sino ang makikinabang?

ARAW ng Biyernes nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terror Act — ‘yan ay sa kabila ng maraming pagtutol.

Ang batas ay inakda ni Senator Ping Lacson. Congratulations Senator! At ganoon din sa lahat ng co-authors ninyo.

Tagumpay kayo! Yeheey!

But wait…

Ang Philippine Anti-Terrorism Act of 2020, na sinusugan ang 2007 Human Security Act, ay pinalawak ang ibig sabihin ng terorismo. Pinapayagan din ng nasabing batas ang surveillance, warrantless arrest at detensiyon ng suspek hanggang 24 araw, alinsunod sa draft law.

O sabihin nating, ginawang legal ‘yang mga bagay na ilegal.

Ayon kay Phil Robertson, deputy Asia director at Human Rights Watch, ang ginawa ni Duterte ay tila nagtulak sa ating kalayaan sa bangin.

“The Anti-Terrorism Law will give a green light to the systematic targeting of ‘political critics’ and ‘opponents,’ as well as ordinary Filipinos who dare to speak out,” ani Robertson.

E para kanino pala ang anti-terror act kung gayon?

“Terrorism, as we have often said, strikes anytime and anywhere. It is a crime against the people and humanity. Thus, the fight against terrorism requires a comprehensive approach to contain the terrorist threat,” ani Roque nitong Biyernes.

O ‘yan, sabi ni Spox Harry Roque ‘yan, ha.

Ayon kay Judge Princess Ongkeko, ang mabuting batas ay hindi masama, maliban kung ito ay aabusohin.

Ayon kay Senator Ping, siya mismo ang mangunguna sa rally kapag inabuso ang Anti-Terror Law.

Pero kahit ilang ulit sabihin ito ni Senator Lacson, hindi mapapanatag ang maraming mamamayan.

At ‘yan ang ultimong dahilan kung bakit araw-araw ay may mga nagrarali.

Ang tanong lang po para sa lahat, hanggang kailan hindi maabuso ang mga karapatan ng mga mamamayan?

At higit sa lahat, sino ang makikinabang sa batas na ito?!

Isang mapanikil na batas na pinalusot sa panahon ng pandemya.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *