ISANG graphic artist na si Klayton Ramos ang gumawa ng digital painting ni Angel Locsin na nakasuot ng Darna costume. Pero sa halip na sexy Darna, matabang Darna ang pagkaguhit.
Ito ay dahil nag-trending ang mga larawan ng aktres sa social media, na mataba ito.
Ani Klayton, ipininta niya si Angel bilang matabang Darna para ipahayag na walang pakialam ang aktres sa kanyang hitsura, at ang nais lang nito ay tumulong.
“She is careless about her body as long as she can help other people,” paliwanag ni Klayton.
Pero nag-react si Rita Avila sa nag-viral na sketch ni Klayton. Mali raw ang ginawa nito. Nirespeto dapat nito si Angel. Bagamat maganda ang intensiyon ng artist, dapat ay hiningi muna nito ang permiso ni Angel, bago ipinost ang sketch.
Nakapalitan ng mensahe ni Rita ang ilang kaibigan ni Klayton. Ipinost ni Rita ang screenshots ng palitan nila ng mensahe. Mababasa sa message ni Rita na bagamat walang masamang intensiyon si Klayton, iba ang pananaw dito ng ibang tao.
Bahagi ng mensahe ni Rita: “In the Philippines, people have a malicious take on body shapes especially to an actress. Best if it was shown first to Angel and was asked if she agrees to have it posted. ‘Di ba, as respect to a lady, we refuse to say directly na ‘ang taba mo’?”
Kapag pumayag si Angel at saka na lang sana ipinost ni Klayton ang kanyang guhit.
Mababasa namang nagpasalamat ang kaibigan ng artist, at nauunawaan nito ang paliwanag ni Rita.
Sa kanyang caption, sinabi ni Rita na wala rin siyang masamang intensiyon sa pagsita sa viral sketch.
“Respect matters,” sabi ng beteranang aktres.
Kaya nga hindi ini-repost ni Rita ang sketch dahil, “I gave respect to Angel and the artist.The artist will always have his/her own perception of his work.And there will be billions of other perceptions that can bring pain or shame to someone being the subject.”
May mensahe si Rita kay Angel: “To you, Angel, we give u respect for what you do and what you are.”
Ni-like ni Angel ang post na ito ni Rita, na pag-sangayon niya sa pananaw ng kaibigang aktres.
MA at PA
ni Rommel Placente