Sunday , May 11 2025

Sino’ng dapat saluduhan sa nakompiskang P3.4M shabu ng QCPD PS 2?

NITONG 23 Hunyo 2020, ay maikokonsiderang malaking accomplishment ang nagawa ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station 2.

 

Nakakompiska ang pulisya ng P3.4 milyon halaga ng shabu. Malaki-laki rin ito ha…at maraming kabataan din ang nailigtas sa tiyak na kapahamakan.

 

Sa buy bust operation na isinagawa sa Barangay 384, Zone 39, Quiapo, Maynila, dalawang kilalang tulak sa lugar at kumikilos din sa Quezon City ang naaresto, sina Casmir Caris at Montiyah Madaya, kapwa  tubong Lanao del Sur at residente ng Quiapo.

 

Ang pagkakadakip sa dalawa ay ikinatuwa ng mga taga-Quiapo …mataga-tagal na rin kasi nilang inirereklamo ang ilegal na aktibidad ng mga suspek. Mabuti na lamang daw at nadakip ang dalawa. Nabawasan na rin ang sakit sa ulo ng mga residente sa Barangay 384, maging ang ilang barangay na nasa area of jurisdiction ng Masambong PS 2, na umano’y binabagsakan din ng droga ng dalawang tulak.

 

Pero sino nga ba ang dapat na saludohan o bigyang ng kredito sa pagkahuli ng dalawang tulak at sa pagkakompiska ng P3.4 milyon shabu?

 

Ang commander station ng Masambong PS2 ay si P/Lt. Col. Ritchie Claravall habang ang PS2 Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief ay si P/Capt. Wennie Ann Cale (ayon sa QCPD Public information Office).

 

Sino ba ang dapat bigyan kredito sa trabaho? Obviously na ang tropa ni Cale. Bakit? Kailangan pa bang sagutin ang katanungan. Heto pa ang tanong diyan. Sino ba ang tunay na nagbuwis ng buhay para madakip ang dalawang tulak na nakompiskahan ng tatlong milyong halaga ng shabu?

 

Alam naman ninyo siguro kung sino ang tunay na nagbuwis ng buhay. E, sino pa nga ba kung hindi ang tropa ni Cale. So, ang dapat na bigyang kredito ay si Cale sampu ng kanyang mga tauhan dahil sila ang lumakad at humarap sa panganib.

 

E si Claravall paano? Well, kasama ba siya sa aktuwal na operasyon o hanggang superbisyon lang siya? Nagbuwis din ba siya ng buhay sa operasyong ito?

 

Well, kahit na paano siguro ay pasalamatan si Claravall pero, higit na may karapatan na bigyan ng kredito ang tunay na lumabas sa presinto para suungin ang panganib.

 

Hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na marami-raming pulis na kasama sa anti- drug operation ang napatay habang ang kanilang mga hepe ay pakoya-koyakoy sa airconditioned  nilang opisina at naghihintay ng magandang resulta ng operasyon.

 

Ops, hindi ko sinasabi na ganoon si Claravall ha, katunayan masipag at magaling din na opisyal ang mama pero, ewan ko lang kung nakasama siya sa P3.4 milyon anti-drug operation ng kanyang  SDEU.

 

Ano pa man, sa nasabing operasyon, higit na may karapatan magpahayag hinggil sa accomplishment ay ang SDEU na pinamumunuan ni Cale. Bakit? Sila kasi ang tunay na lumabas sa opisina at ibinuwis ang kanilang buhay.

 

Si Claravall? Alamin muna natin kung sumama ba siya sa operasyon at ibinuwis ang buhay? Kung ang sagot ni Claravall ay siya mismo ang nanguna sa operasyon na isinagawa sa Quiapo, nararapat din siyang saludohan pero kung hindi…ang tropa lang ni Cale ang nararapat na bigyan ng kredito.

 

Katuwang pala ng tropa ni Cale sa anti-drug operation ang tropa ng Manila Police Station Sta. Cruz Station (PS3).

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *