Sunday , January 12 2025

Sing along masters, naisalba ng Comedia

ANG masasabing hindi naman natinag, sa pagdating ng pandemya at ni Covid-19, ay ang isa sa pioneers pagdating sa itinatag na sing-along bars o comedy clubs sa Kamaynilaan, sa Malate in particular, si Andrew de Real o mas nakilala sa tawag na Mamu.

 

Nag-celebrate pa ng 35th anniversary ito para sa kanyang The Library. Sa pamamagitan nga lang ng pagbati via online ng mga taong naging bahagi nito all those years.

 

Ramdam ni Mamu sa simula pa lang ng pandemya ang hirap hindi lang ng kalooban ng mga tao niya lalo na ang sing-along masters, kundi pati na ang mga staff at workers nito na tumigil din ang ikot ng mundo.

 

Dahil mahusay ang takbo ng utak ni Mamu, nang mawala ang The Library, nakahanap agad ito ng bagong puwesto, na nasa bandang South nga lang pero nakatulong pa rin sa ibang mga host.

 

At natigil. Nagsara rin.

 

Kaya sa online niya sinimulan ang COMEDIA.

 

Patuloy na pinagagana ni Mamu ang utak ng kanyang mga talent sa challenges na ibinibigay sa kanila sa araw-araw. At ang nananalo ay may premyo na mula rin sa mga kaibigan at taga-suportang sinusubaybayan sila.

 

Napapanood sila with the videos they do. Nababasa ang makabuluhan nilang sahog sa mga tricky question na sila-sila rin ang nagsa-suggest. Masaya sila!

 

Kahit hindi nawawala ang agam-agam na ito na nga marahil ang magiging new normal, nananawagan pa rin sila para sa suporta ng gobyerno na sana ay mabigyan pa rin sila ng ayuda.

 

“’Yung tahi ng story at substance ang best na manalo. Never mind the length as long as it is worth reading,” ang isa sa rule sa kanyang mga hamon.

 

Dagdag pa niya, “Ang isang contest namin na entitled ‘Kwento ko to’ ang saya. They were asked to post a pic while performing then share their story on how they became an entertainer, the perks, their influencer and a feel good ending statement.”

 

Nananawagan na sila on national TV. At hindi sila titigil to give their best, sa online pa man ‘yan. Alam nila na sila, ang entertainers, ang nasa laylayan sa tila huling maaalalang mabigyan ng tulong.

 

Pero, hindi naman sila tutunganga na lang. Eto’t patuloy silang gumagawa ng sarili na nilang mga diskarte.

 

Kaya sa sinasabing tuluyang pagsasara na nga ng dalawa pang tinatangkilik na physical bars, mas dumami naman ang makararamdam ng anxieties at depression.

 

Dasal.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *