HINDI lang sumasabay, kundi isa na sa mga nangunguna sa buong mundo ang GMA News pagdating sa online news video publishing.
Base sa May 2020 leaderboard ng social video analytics na Tubular Labs, nakuha ng GMA News ang ikalimang ranking worldwide sa News and Politics category. Ito na ang pinakamataas na ranking ng GMA News na siyang number one online news video publisher sa bansa.
Nagtala ng 458.6 million video views sa Facebook at 181.5 million video views sa YouTube ang GMA News sa buong buwan ng Mayo. Hindi lang ‘yan, ang livestream ng 24 Oras ay ang most-watched local newscast pa rin sa Facebook at YouTube. Mula noong May 11 ay naging available na globally ang live streaming nito sa Facebook page at YouTube channel ng GMA News.
Ang pangunguna ng GMA News sa online ay dahil na rin sa GMA News and Public Affairs Digital team. Maraming viral at online exclusive explainers, talk shows, at human interest stories mula sa Digital Video Section nito ang hindi lang nagbibigay kaalaman, nagbibigay inspirasyon pa sa netizens lalo na sa panahon ng Covid-19. Isa na rito ang Need To Know series na iba’t ibang video ang mapapanood tungkol sa mga socio-political issues na kinakaharap ng bansa sa gitna ng pandemya.
Lahat ng mga video na ito ay mapapanood sa webiste ng GMA News Online, www.gmanews.tv, at sa Facebook page at YouTube Channel ng GMA News.
Rated R
ni Rommel Gonzales