Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Ruben Soriquez, happy sa parangal ng pelikulang The Spiders’ Man

SOBRA ang kagalakan ng actor/direktor/producer na si Ruben Maria Soriquez nang sumungkit ng apat na parangal ang pelikula nilang The Spiders’ Man sa Accolade Global Film Competition 2020.

 

Ang pelikula ay tinatampukan nina Richard Quan, Direk Ruben na siya ring namahala ng pelikula, Lee O’Brian, Rob Sy, Jeffrey Tam, Lanie Gumarang, at iba pa.

 

“Ang saya-saya ko, sobrang saya ko,” sambit niya nang makapanayam namin thru FB.

 

Ang apat na karangalang nakuha nila sa naturang award giving body ay ang: Award of Merit Special Mention Lead Actor – Richard Quan, Award of Merit for Directing – Ruben Maria Soriquez, Award of Merit Supporting Actor – Ruben Maria Soriquez, at Award of Merit Feature Film – Directed by Ruben Maria Soriquez.

 

Kaya masasabing big winner dito si Direk Ruben dahil kinilala siya bilang director at supporting actor para sa kanilang pelikula.

 

Paano niya ide-describe ang movie nilang The Spiders’ Man?

 

Tugon ni Direk Ruben, “Ito ay isang pangunahing autobiographical film na inspirasyon ng mga totoong kaganapan. Sa pelikula ay may isang hero, ang aking mentally challenged half brother played by Richard Quan. Ito ay isang comedy thriller na tungkol sa kapatiran at sakripisyo.”

 

Inusisa rin namin ang role niya sa movie? “Ang role ko ay isang matagumpay na Fil-Italian businessman ngunit mayroon siyang mga isyu sa pamilya. Si Mike (Richard) ay tutulong sa kanya na pagalingin ang kanyang mga sugat. Ang pelikula ay inspirasyon din ng Dustin Hoffman-Tom Cruise movie na Rain Man. It’s distributed worldwide by Leomark Studios US.

“Sana sa end ng taon na ito, it will be streamed in Asia,” pakli pa ni Direk Ruben.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …