Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara Altamira, excited nang muling humarap sa camera

AMINADO ang actress/model na si Ara Altamira na excited na siyang muling mag-shooting or mag-taping. Isa si Ara sa naapektohan nang husto ng Covid19 at walang katiyakan ang mga project na dapat niyang gawin bago nagkaroon ng pandemic.

 

Saad ni Ara, “Yes po, excited na akong mag-shooting or mag-taping.”

 

Kahit may pangamba, willing daw siyang mag-take ng risk. “If may taping, of course may takot pa rin, but I’m willing po to take risk kasi I’m sure naman na papangalagaan ng prod ang safety ng lahat. Miss ko na rin talaga po mag-acting,” sambit niya.

 

Dagdag pa ni Ara, “Sanay ako rati na halos araw-araw wala sa bahay dahil laging may work, kaya sobrang nakakapanibago. And of course ‘yung mga bills, nakaka-worry kung paano babayaran.”

 

Ano ba ang mga forthcoming projects niya? “Wala po kasi akong projects now, e. ‘Yung Love Thy Woman, nag-air na po ulit recently, Dominique po ang character ko roon. Na-shoot na ‘yun, before lockdown po. Pero ‘yung next shoot sked po ay ‘di na po ako isinama, ibinawas na muna nila ‘yung character ko para sa safety ng lahat.

 

“Bale main casts lang po ang nag-taping. Then ‘yung Daddys Gurl (sitcom sa GMA-7) hindi pa po sure sa July kung magre-resume na ng taping,” aniya.

 

Wika pa ng masipag na aktres, “May mga pending projects before na hindi pa rin sure po kung kailan matutuloy, because of pandemic.

 

“Right now Bigo Live, livestreaming app, official host ako roon. Marami na ring artista ang nandoon like Katrina Halili, Thea Tolentino, Aaron Villena, etcetera.

 

“Iyong Bigo Live, online app siya, livestreaming, parang Facebook live, hosting where in you can also showcase your talents like singing or dancing. Interactive siya kasi, your viewers can comments on your live or even video guest.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …