Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reklamo ni Sharon, ‘di ‘natulog’ sa NBI at DOJ

MARAMING kaso ng cyber bullying na natutulog sa NBI dahil nahihirapan silang mai-trace ang mga gumawa niyon. Nakagagamit kasi ng ibang identity ang gumagawa ng kalokohan sa social media. Mahirap tukuyin. Kung natatandaan ninyo, iyong kaso nga niyong pinatay na kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda inabot ng kung ilang taon sa NBI bago nakuha ang bangkay eh.

Pero kung gugustuhin pala ng NBI at DOJ, mapapabilis nila ang imbestigasyon. Sa loob ng dalawang araw, natukoy nila kung sino iyong  umano’y “nagbantang gahasain” ang anak ni Sharon Cuneta. Nasa UK iyong tao, pero natukoy nila ang tunay na pangalan at ang address, at sinasabi nila na maaaring gamitin ang “extradition treaty” ng Pilipinas para pauwiin iyon at mahuhusgahan dito.

Iyang extradition na iyan, hindi nila nagamit laban kay dating COMELEC chairman Andy Bautista na alam halos ng lahat kung nasaan at nakikita pang namamasyal sa US.

May nagtatanong lang, dahil ba iyon sa katotohanang sinabi mismo ni Sharon na kaibigan niya at dating abogado si Justice Secretary Menardo Guevarra?

Pero sa totoo lang ha, humahanga kami sa bilis ng imbestigasyon ng DOJ at ng NBI sa kasong iyan ni Sharon. Bilib kami sa kanila. Sana lang sa lahat ng kaso ganyan sila kabilis para mas makuha naman nila ang pagtitiwala ng mga tao.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …