Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, sumabog sa galit

WORLD war 3 na ba?” bungad sa amin sa chat ng isa naming kaibigan. Hindi kami aware kung bakit, at saka niya sinabi na sumabog sa galit ni Sharon Cuneta laban sa isang director na movie writer din, at sa isang tila political blogger na nagsabing kung siya ay 12 years old lang, gagahasain niya ang anak ni Sharon at walang ibang masisisi kundi ang tatay niyon na gumawa ng juvenile law.

Iyong isa ay blind item lang naman, pero siguro tama si Tita Maricris na nagsabi sa aming ”identifiable naman kasi.” May limang tao lang na magsabi ng ganoon, tapos na ang usapan. Noong araw walang pumapansin diyan sa cyber libel, pero nang masintensiyahan si Maria Ressa, marami na ang naniwala sa batas na iyan.

Iyong isa naman ay figure of speech. Kasi ang sabi niya, ”kung ako ay 12 years old,” eh hindi naman dahil matanda na siya. Hindi masasabing may tangka siyang gahasain ang anak ni Sharon. Ang sinasabi niya, kung siya ay 12 years old at gawin niya iyon, hindi siya mapaparusahan dahil minor siya, at ang masisisi ay ang asawa ni Sharon na gumawa ng juvenile law.

Pero iba ang analysis namin dahil hindi kami galit. Siguro dahil hindi kami ang concerned. Kung sumiklab man ang galit ni Sharon, kasi siya at ang pamilya niya ang concerned sa mga iyon.

Naniniwala rin si Sharon na idinamay lang ang pamilya niya, lalo na ang kanyang mga anak dahil sa personal na galit sa kanya ng gumawa niyon. Hindi naman niya sinabi ang pinagkagalitan nila. Alam man namin kung saan nagsimula iyon, wala kaming pakialam sa mga bagay na iyan, lalo’t hindi naman kami concerned sa awayan nila. Hintayin na lang natin ang paghaharap nila sa tamang forum.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …