Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessa Zaragoza, ambassador na ng Beautéderm

MAY isang bonggang handog na naman ang Beautéderm Corporation, ito ay ang pagsalubong sa pinakabagong bahagi ng stellar line-up of celebrity brand ambassadors nila, ang tinutukoy namin ay ang Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza.

Dalawang taon nang loyal user si Jessa ng mga FDA Notified products ng Beautéderm label na consistent recipient din ng Superbrands award.

Naghahanap ng quality line of products si Jessa noong siya ay nasa late 30s. Ninais ni Jessa ng mga produktong kanyang mapagkakatiwalaan sa pananatili ng youthful glow ng kanyang skin lalo na noong malapit na siyang mag-40 na una niyang nakilala ang Beautéderm sa pamamagitan ng mga passionate testimonies ng kanyang mga kaibigan mula sa industriya.

“Sobrang daming magagandang kuwento ang naririnig ko tungkol sa Beautéderm kaya bumili ako ng skin set nila na talagang sikat na sikat. Gusto kong subukan ‘yung product at nakakita ako agad ng positive results at talaga namang na-in love ako sa Beautéderm. Ini-rerekomenda ko ang brand sa bawat working mom in her 40s. Busy man tayo sa trabaho at sa pag-aalaga sa ating pamilya pero importante rin na alagaan natin ang ating sarili gamit ang mga produktong ating pinagkakatiwalaan,” sabi ni Jessa na kilalang nakikipag-partner lamang sa mga brand na talagang kanyang ginagamit.

Sobrang naniniwala si Jessa sa brand kaya todo naman ang pag-promote niya sa Beautéderm sa kanyang social media platforms hanggang naging kaibigan niya ang President at CEO ng kompanya na si Rhea Anicoche-Tan.

“Nagsimula ako bilang radio DJ after ng college at isa si Jessa sa pinaka-sikat na OPM artist noon. Fan ako ni Jessa at ang saya ko to connect with her especially when I learned that she is a loyal Beautéderm user at super happy ako that she is now part of the family,” sambit ni Tan.

Maliban sa skin set ng Beautéderm, ang iba pang paborito ni Jessa ay ang Knee & Elbow Whitening Cream, Purifie Facial Wash,Beauté Tint, Beauté Balm, at ang Air and Fabric Freshener ng Beautéderm Home’s.

“When I do endorsements, mahalaga na naniniwala ako sa brand at sa mga produkto nito. Beautéderm is a brand that I am proud to recommend, especially to my loved ones, to my fans, and to mothers like myself who are looking for effective, quality beauty products na siyempre hindi mabigat sa bulsa. Maligaya ako at nadiskubre ko ang Beautéderm at proud akong makipag-partner sa amazing brand na ito sa pag-maintain ng natural glow ng aking skin,” sabi pa ni Jessa.

Kilala sa kanyang classic and radiant beauty, siguradong gagawa ng beautiful harmonies si Jessa kasama ang Beautéderm habang papasok sila sa isang maganda at bagong yugto ngayong 2020.

Para sa karagdagang updates at impormasyon ukol kay Jessa Zaragoza at sa Beautéderm, sundan ang  @beautédermcorporation saInstagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …