Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryan Agoncillo, balik-TV5 para sa Bangon Talentadong Pinoy

SA panahong ito ng pandemya, dumarami ang mga Filipino na ginagamit ang mga abilidad at talento nila para makaahon sa hirap ng buhay.  Pero tulad ng maraming nagdaang bagyo, lindol, at kahit pa pagsabog ng bulkan, laging nakahahanap ng paraan ang mga Pinoy para makabangon–at kadalasan pa’y nakangiti tayo habang ginagawa ito!

Ang katatagan at tibay ng loob ay hindi lamang katangian ng mga Filipino, ito ay isang talento.

At ngayon, may bagong program sa digital at TV para ipakita ang galing nating ito, ang Bangong Talentadong Pinoy na si  Ryan Agoncillo ang magho-host.

Taong 2008 hanggang 2014, napanood ang Talentadong Pinoy na talagang naging #1 sa TV ratings.

Ngayon ilalabas muli ng Bangon Talentadong Pinoy ang napakarami at nakatutuwang mga talento ng mga Filipino. At ngayon, aabot ng P2.8-M  ang total cash prizes na ipamimigay! Mas marami na ang pwedeng manalo ngayon–mula P2,000 hanggang P5,000 hanggang P50,000 hanggang P250,000!

Ang Bangon Talentadong Pinoy ay mapapanood ‘di lang online kundi televised din sa bagong free-to-air channel ng Cignal, ang OneTV!

“More than ever, kailangan ng mga tao ng show na tulad nito,” paliwanag ni Ryan. “Noong una hindi ko inisip na balikan itong ‘Talentadong Pinoy’ kasi nagawa ko na ito. Pero na-kumbinse ako agad noong narinig ko na bago ang konsepto ng show at dahil sa layunin nitong magbigay pag-asa at premyo na rin sa mga tao dahil alam nating napakaraming may kailangan nito ngayon.”

Para sumali, kailangang i-like ng contestants ang BANGON TALENTADONG PINOY page sa Facebook. Pagkatapos, mag-send sila sa private message ng kanilang videos ng performance nila–pwedeng solo, duo o kahit grupo.  Kung masyadong malaki ang video, pwede ring magpadala ng link sa video nila na nasa YouTubeFacebookIG, Tiktok, etc.   Kapag nakapasa sila sa shortlist ng Selection Committee, kokontakin sila ng team para ipaliwanag ang mga susunod na dapat gawin.

Ang Bangon Talentadong Pinoy ay ipo-prodyus ng The IdeaFirst Company para sa Cignal TV.  Ang orihinal na team ng Talentadong Pinoy ay babalik kasama ni Ryan: mula sa director na si Rich Ilustre, writer na si Paolo Bustamante, at producers na sina Perci IntalanMalou Escio Gascon, at Dacky Dacanay. Ngunit ngayon tatayong Creative Director ng programa ang acclaimed filmmaker na si Jun Robles Lana.

Kasalukuyang nag-a-audition na ng contestants ang team ng Bangon Talentadong Pinoy at magsisimula nang mag-taping ngayong Hulyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …