Wednesday , December 25 2024

Alynna, wind beneath our wings ang turing kay Rei Tan

NATIGIL man at nawalan siya ng mga gig sa panahon ng pandemya, hindi naging balakid ito para sa mang-aawit na si Alynna Velasquez na makagawa ng mga magagandang bagay para sa kanyang kapwa.

Masaya nitong ibinalita na siya ay isang Ambassador at Volunteer ng UNICEF (United Nations Children’s Fund).

“I started as an Ambassador and as a Volunteer Fundraiser noong June 9 ngayong taon.

“I heard about UNICEF when I was a teen and I have wondered how it would feel to be a part of it. 

“Alam mo ‘yun. Kids have a soft spot in my heart, especially the ones who belong to a poor family who have been robbed of their future. Kaya, it breaks my heart to see them suffer especially at this time of the pandemic. 

“Recently, UNICEF Philippines came up with a charity fundraising project to address the needs of the Frontliners. So, with the approval of our team Captain Gerard Paloma, I made my own page, ‘Mula Sa Puso’ Fundraising Campaign for the Frontliners, particularly the medical team. 

“Kaya, ako rin ay umaapila para sa gustong magbahagi ng kanilang tulong at suporta. I would like to ask everyone who wants to extend support to our Frontliners. They have pushed themselves to their limit and facing the fear of bringing the virus home to their families. 

They are in need of PPEs, Disinfectants and additional tents for the hospitals.”

Ano pa ang iba niyang pinagkakaabalahan habang nasa lockdown?

“Alam mo ‘yan, tita Pi. Matagal na rin akong nasa beauty business. I am an active online businesswoman selling BEAUTèDERM products which is now one of the best skincare brands in the country. I realized a lot of people have focused on their physical well-being these days.

“At isa rin ako sa napakalaki ng pasasalamat sa aming Boss na si Reí Tan dahil sa pagiging wind beneath our wings na oras-oras, masasabi ko na nakasuporta sa amin, pushing us to do better sa aming negosyo na sa kanya rin nagmula. We are all being blessed.”

Direkta namang pupunta sa UNICEF ang maibabahaging mga donasyon na siya rin nilang ipinadadala sa iba’t ibang panig ng mundo.

Para sa mga donasyon, ibinahagi ni Alynna kung paanong makapagbabahagi ng donasyon. Donate online at donate.unicef.ph ONLINE BANK TRANSFER: Account name: UNICEF; METROBANK: C/A 066-706631209-3; BDO S/A 002-08016364-3; BPI S/A 1-50100335-9; DONATE VIA GCASHVIA PAYMAYA; VIA LAZADA, lazada.com.ph/shop/unicef.

Hindi lang mukha at katawan, pati na boses ang masasabing maganda kay Alynna, kundi pati na ang laman ng kanyang puso.

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *