Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rei Tan, ibinigay ang Hermes Birkin bag at Christian Louboutin shoes para sa Shop & Share 2020

NASA sistema na talaga ni Ms. Rei Tan, CEO/President ng Beautederm ang pagiging matulungin.

Pagkatapos niyang ipa-auction ang mga branded collection na mga personal niyang gamit, na ang kinita ay ipinantulong sa mga frontliner at mga biktima ng Covid-19, heto’t nakibahagi naman siya sa online auction ng magkaibigang Angel Locsin at Anne Curtis na Shop & Share 2020.

Ang proyekto ay naglalayong makalikom ng pondo para ipambili ng test kits para sa Covid-19. Ito’y upang makapagsagawa ng mass testing sa bansa, lalo na para sa mga underprivileged at walang kakayahang magbayad para rito.

Ayon sa Facebook post ni Ms. Rei, “My bag and shoes will be given to www.shopandshare.store (auction) In hopes of aiding the government in increasing the testing of covid 19 in our own little way. #letshelpflattenthecurve #ContriBeaut #ShopAndSharePH #YestoLove.

Ang bag na ibinigay ni Ms. Rei ay isang Hermes Birkin, at ang shoes ay Christian Louboutin.

Isang certified collector ng mamahaling bags si Ms. Rei. Pero dahil sa adhikaing makatulong sa panahon ng Covid-19 pandemic ay okey lang sa kanya na mabawasan ang collections.

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …