Wednesday , December 25 2024

Anita Linda, pumanaw na sa edad 95

THIS is a very sad day for me. I am trembling as I am gathering my thoughts… She is like my Lola and part of my family.

 

“The great Anita Linda has passed away this morning at 6:15 AM at 95. Prayers for her soul.

 

“My condolences to her family and her children, Francesca Legaspi and Fred Osburn..”

 

Ito ang napakaagang post ni Direk Adolf Alix Jr. kahapon sa kanyang Facebook account kasama ang picture nila ni Ms. Anita Linda.

Pumanaw na nga ang veteran actress na si Alice Lake sa tunay na buhay sa edad 95 dahil sa heart failure.

 

“My LOLA. Akala ko may gagawen pa tyo pelikula. Mamimis ka namen!,” post naman ni Direk Brillante Mendoza sa kanyang FB account kasama rin ang picture nilang dalawa ni Aling Anita.

Nakilala si Anita sa mga natatanging pelikula at palabas sa telebisyon  na gumanap siya ng mamahalagang papel. Sinasabing si Anita ang pinakamatandang aktibong aktres sa local film industry.

Bandang 6:15 a.m. kahapon, June 10, nalagutan ng hininga si Anita sa kanilang bahay sa Paranaque. Kinompirma ito ng anak niyang si Francesca sa ABS-CBN News.

 

Ayon kay Francesca, may late stage ng dementia ang kanyang ina. “She lived a good life, love niya ang showbiz. Sobrang pasasalamat namin because everyone is good to her. Love siya ng lahat!”

 

Iki-cremate ang labi ni Anita sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque.

Ilan sa mga natatanging pelikulang nagawa ni Anita ay ang Presa ni Direk Alix, Sisa at Ang Sawa sa Lumang Simboryo ni Gerardo de Leon, at Lola ni Mendoza.

June last year, kinilala o binigyang halaga ang kontribusyon ni Anita sa Philippine cinema ng Dunong ng Isang Ina event, ito ay parte ng Sandaan: 100 Years of Philippine Cinema celebration.

Hindi napigilan ni Anita ang maiyak sa importansiyang pagkilalang iyon sa kanya at nasabing, “I feel good. I’m being rewarded, they appreciated it. Maraming salamat sa Diyos.”

 

Last year din noong Hulyo, binigyang pagkilala ng The Eddys ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) si Anita bilang isa sa mga ICON awardee. Ito’y bilang pagpupugay sa veteran actress sa hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Filipino.

Kasama niyang naging awardee sa 3rds Eddys ICON awardee sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, at Lorna Tolentino.

 

Mula sa pamunuan ng Hataw, ang aming pakikiramay sa mga naiwan ni Ms. Anita.

About Hataw Showbiz

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *