ISA si Liza Soberano sa mga talent ng ABS CBN 2. Kaya naman nang magsara ito, labis siyang nasaktan.
Nakikiusap ang magandang aktres sa mga mambabatas sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, na sana ay bigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya Network.
Ayon sa aktres, mahalaga ito (prangkisa) hindi lang para sa kanya, kundi pati sa bayan, lalo na ngayong may pandemic dahil sa Covid-19.
Sabi ni Liza sa kanyang IG post, “It has been almost three months since the world has been put on pause due to this pandemic. Three months since the world has become full of uncertainties, anger and tear.
“So many changes have been made to adjust to a world in which we are at war with an enemy that can’t be seen.”
Dagdag pa ng girlfriend ni Enrique Gil, marami na ang nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa pagsasara ng ABS-CBN sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC).
“Marami na po ang nagbigay ng kanilang saloobin tungkol dito.May mga nagalit, nalungkot, at nasaktan. Meron ding natuwa.”
Pero para kay Liza, magkakaiba man ng mga pananaw at paniniwala, hindi ngayon ang panahon para mag-away-away.
“Hindi po ito ang tamang panahon para mag-away-away ang lahat. We all have different principles in our life and we all have the right to our own opinions.
“Pero kung mapapansin po ninyo, pride ang nananaig, and because of our pride and beliefs, we are forgetting what is truly important during these tough times, at ‘yun ang maging mabuting tao sa lahat.”
MA AT PA
ni Rommel Placente