IGINIIT ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III na isa siyang natural-born Filipino citizen sa pagharap niya sa House of Representatives kahapon, Hunyo 3.
“I am a natural-born Filipino citizen because both my parents are Filipino citizens,” sambit nito.
Ayon kay ABS-CBN general counsel Mario Bautista, isang dual citizen si Lopez dahil Filipino ang mga magulang niya, kahit pa ipinanganak siya sa United States of America.
“’Yung pagka-dual citizenship po ni Mr. Gabby Lopez ay automatic legal consequence dahil ipinanganak siya mula sa mga Filipino. Ipinanganak din siya sa America, na alam natin na kapag ikaw ay ipinanganak sa teritoryo ng America, ikaw ay American citizen,” sabi ni Bautista.
Nanindigan si Lopez na hindi niya tinalikuran ang Filipino citizenship at nakiusap lang sa Department of Justice na kilalanin ang Filipino citizenship niya para makakuha siya ng Philippine passport.
Kinompirma naman ni Justice Undersecretary Emmyline Aglipay-Villar na isang Filipino citizen si Lopez at na ang certificate of recognition na nakuha nito ay hindi pagkakaloob ngunit patunay ng Filipino citizenship nito. Iginiit din ni Aglipay-Villar na hindi nawala ang Filipino citizenship ni Lopez kahit na ginagamit niya ang US passport.
“Ang paggamit niya ng US passport ay hindi po dahilan para mawala ang kaniyang Filipino citizenship. At ang hindi naman niya pagkakaroon ng Philippine passport ay hindi rin isang dahilan na hindi siya Filipino,” pahayag ni Aglipay-Villar.
Sinabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi isyu ang pagiging American citizen ni Lopez. “He is undeniably a natural-born Filipino citizen. No amount of interpellations would change this overriding and unalterable fact.”
Para naman sa dating Bureau of Immigration commissioner na si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, “Mr. Lopez, from the beginning, is a Filipino – no renunciation. And being a Filipino, he can own a part of and participate in the management of mass media in conformity with the Philippine Constitution.”
Muling iginiit ni Lopez ang hangarin niyang maglingkod sa mga Filipino at sinabing, “I am first and foremost a Filipino, I will live and die in the Philippines. I know in my heart that I am a Filipino. All my actions in the last 35 years I’ve been associated with ABS-CBN has been in the service of the Filipino.”
Dagdag pa niya,” If it came down to conflict of interest, I will give up my US citizenship in a minute.”