Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi, nagbihis sa kalsada sa shooting ng Malaya

MATAGAL nang inaabangan ang iWant original movie na Malaya nina Zanjoe Marudo at Lovi Poe dahil ang gaganda ng mga lugar na pinag-syutingan nila mula sa direksiyon ni Concepcion ‘Connie’ Macatuno.

Kilala si direk Connie na mahilig sa magagandang location tulad ng Glorious nina Tony Labrusca at Angel Aquino na kinunan sa Sagada na hindi laging ipinakikita sa ibang pelikula.

Isa kami sa na-curious sa magandang poster ng Malaya kaya tinanong namin si direk Connie kung saan sila nag-shoot at kung kailan?

Aniya, “Last October (2019) in Puglia (Italy).”

Ang suwerte ng Team Malaya dahil nakapag-shoot sila bago ang Corona Virus pandemic at hindi inabutan ng lockdown. Matatagalan pa tiyak kung kailan ulit makakapag-shoot ng pelikula sa ibang bansa.

Kahapon (Mayo 28) ang streaming ng Malaya na kinunan sa Puglia, Italy na isa sa tourist destination ng nasabing bansa dahil dito rin matatagpuan ang Padre Pio Shrine sa San Giovanni Rotondo.

Ayaw naman magbigay ng detalye ni direk Connie nang tanungin namin kung ano ang karakter nina Zanjoe at Lovi at bakit native ang suot ng aktres. Feeling naming, siya ang taga-Puglia at turista naman ang aktor.

Samantala, nagkuwento si Lovi ng hirap ng shooting nila sa panayam ni Tim Yap sa Youtube channel nito.

“Hirap umikot sa mga paborito mong bansa na kailangan mo magtrabaho kasi you have to stay focused and everything. Shooting abroad is not a joke kasi wala ka sa comfort zone mo. Kumbaga kami, we were like walking around. Skeleton team talaga na bitbit ‘yung cameras, bitbit ko ‘yung mga damit ko. Nagbibihis ako sa kalsada,” say ng aktres.

Ang Malaya ay handog ng Dreamscape Entertainment at mapapanood  anytime sa iWant.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …