Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2015 Dodge Durango van  ni Angel, ibinebenta para sa Shop & Share

HETO ulit si Angel Locsin, ibinebenta ang 2015 Dodge Durango van  para sa balik-launch ng itinayong Shop & Share para makalikom NG pambili ng Covid-19 testing kit.

Base sa post ni Angel sa Shop & Share IG account, “We will officially launch SOON with some exciting pre-loved items from your favorite celebrities! Please visit www.shopandshare.store to sign up for notifications when we go live!

“Shop & Share is dedicated to help our fellow Filipinos who need to be tested during this COVID-19 pandemic. With what we are able to raise, it is our aim to cover the expense for testing kits to the underprivileged who are affected by this global crisis. We pursue this mission humbly, with compassion and kindness in hopes of aiding the government in increasing testing for COVID-19 in our own little way. #ShopAndShare2020 #AngelLocsin

May kausap kaming artista at napag-usapan namin si Angel tungkol sa lahat ng kawanggawa niya at dumating sa tanong na, ‘ano kaya ang next na ibebenta niya?’ Pagkalipas ng isang oras, heto biglang ipinost na ang luxury van ng aktres at for sale na.

Nagkagulatan kami ng kausap naming artista at sabay pagkumusta sa kasal nina Angel at Neil Arce ngayong taon.

Lagi rin naming itinatanong sa aktres ang tungkol sa kasal nila ng fiancé niya, pero ang laging sagot sa amin, “sa ngayon Ate hindi ko masagot, wala ako masasabi pa dahil sa mga nangyayari ngayon.”

Wala rin kaming nababalitaang inaasikaso nina Angel at Neil ang kasal nila dahil mas nakatuon sila  sa pagtulong sa Covid-19 pandemic.

At kung matutuloy, malamang hindi na ito tulad ng unang plano ng dalawa na bongga dahil marami silang imbitado. Sa ngayon kasi ay 10 katao na lang ang pinapayagang dumalo sa kasal, kasama na ang magulang both sides at ninong/ninang.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …