Thursday , October 31 2024
Sipat Mat Vicencio

“Wag putulan ng koryente!”  

TALAGANG nakagugulat at nakagagalit ang nangyari nitong mga nakaraang linggo matapos matanggap ng mga customer ng Meralco ang kanilang bill, at hindi maintindihan kung bakit napakataas ng singil sa kanilang nakonsumong koryente.

 

Sa kabila ng problema ng taongbayan dahil sa pananalasa ng COVID-19, marami ang nagtatanong kung bakit nagawa pa ng Meralco ang maningil nang sobra-sobra gayong hindi naman ganoon kataas ang kanilang kinokonsumong koryente.

 

Sa napakahabang pila sa mga tanggapan ng Meralco, halos magrebolusyon sa galit ang consumers  at naghahanap ng kasagutan kung paano nangyari at biglang sumirit ang kanilang monthly electric bill.

 

At dahil sa kontrobersiya, minabuting pumasok na ang Senado at Kamara, at mukhang nakatakdang imbestigahan ang ginagawang panggugugulang ng Meralco sa kanilang mga customer.

 

Si Rep. Jericho Nograles ay kinalampag na ang Meralco at hinihingi na ang kanilang paliwanag kung bakit doble ang kanilang sinisingil sa kanilang mga customer. Nagtatanong din si Nograles, kung bakit sa kabila ng pagbaba ng presyo ng langis sa world market, saka naman nagtaas ang singil sa koryente.

 

Sa Senado, napikon na rin si Senator Grace Poe, at pinagsabihan ang Meralco na ayusin ang kanilang paniningil at gawin itong makatuwiran. Sabi ni Grace, hindi dapat maningil ang Meralco sa kanilang mga customer habang hindi inaayos ang billing at reading sa kanilang nakonsumong koryente.

 

Hirit pa ni Grace, hindi rin dapat basta-basta na lamang mamumutol ng power supply ang Meralco sa mga hindi agad-agad makababayad, lalo’t gipit ang taongbayan ngayon sa gitna nang kinakaharap nitong problema dulot ng COVID-19.

 

Kung tutuusin, wala pa man ang COVID-19, pahirap na talaga ang Meralco sa taongbayan. Parang walang puso ang may-ari nito, at walang habas kung magtaas ng singil sa koryente, habang ang mga consumers ay walang kalaban-labang sumusunod sa kung anong dikta ng Meralco.

 

Sa palagay ko, dapat magkaisa ang Senado at Kamara, at sa pangunguna ni Grace kabilang na si Nograles, magpatawag sila ng imbestigasyon at busisiin ang hindi makataong ginagawa ng Meralco sa taongbayan.

 

At sa gagawing imbestigasyon ng mga mambabatas, kailangan tiyaking makapagbalangkas ng bagong batas na magbibigay ng higit na proteksiyon sa consumers, at higit na magiging bukas at parehas ang gagawing paniningil ng koryente ng Meralco.

 

Hindi rin dapat kaligtaan ng Senado at Kamara na kung matutuloy ang nasabing imbestigasyon, ipatawag ang negosyanteng si Manny Pangilinan kabilang na ang lahat ng matataas na opisyal ng Meralco.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: Laglag na sa administrasyon, tablado pa kay Digong

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa paulit-ulit na ‘drama at palundag’ hindi malayong tuluyang matalo si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *