Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga kaibigan ni Sam, happy sa kanila ni Catriona

KINOMPIRMA ni Sam Milby sa pamamagitan ng kanyang Instagram.post, na girlfriend niya na ang tinanghal na Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. Noong Sabado, May 23, saktong kaarawan ng aktor niya ipi-nost.

 

Makikita sa litratro na nakangiti sina Sam at Catriona habang yakap-yakap ang isa’t isa. Sa caption nito, sinabi ni Sam na ito ang most special birthday niya. Hindi niya sinabi kung bakit. Siguro, itong taon siya sinagot ni Catriona o bago sumapit ang kaarawan niya. Pahulaan na lang kung kailan talaga naging mag-on ang dalawa.Wala kasing binanggit ang binata.

 

Ang ginawang pag-amin ni Sam na sila na ni Catriona ay labis na ikinatuwa ng kanyang mga kaibigan sa showbiz. Bumuhos ang pagbati, hindi lang para sa kanyang kaarawan, kundi para na rin sa relasyon nila ni Catriona.

 

Bati ni Angelica Panganiban“Ayiiie! Happy birthday, Sam! Very, very happy for the both of you!”

 

Sabi naman ni Erik Santos“Happy birthday, brother.”

 

Ang dalawa pa sa bumati at nagpakita ng suporta sa bagong magkasintahan ay sina Yen Santos at Hero Angeles na naging co-stars ni Sam sa dating seryeng Halik.

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …