NAGLABAS ng video si Kathryn Bernardo sa kanyang YouTube channel na Everyday Kath, na nag-react siya sa mga mean comment sa kanya. Sa isang comment, sinabi ng basher na: Ang pangit ni Kathryn Bernardo! Sakang na! Pangit pa!”
Napa-react naman ang aktres at sinabing hindi na siya nabo-bother sa kanyang legs at natutunan na niyang tanggapin ito.
Aminado naman si Kathryn na rati ay nai-insecure siya sa legs niya pero na-overcome na niya iyon sa tulong ng boyfriend na si Daniel Padilla.
“Na-realize ko lahat tayo mayroong imperfections … I love my legs! Si DJ love rin legs ko!” sey ni Kathryn.
“Come on! You kiss my fucking legs! Hahaha!,” aniya pa.
MA AT PA
ni Rommel Placente