Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapamilya, patuloy na magbibigay-saya sa kanilang sari-saring online shows

PATULOY na magbibigay-saya, inspirasyon, at impormasyon ang ABS-CBN sa paglulunsad ng Online Kapamilya Shows o OKS, na makakasama ang iba’t ibang Kapamilya stars para samahan at damayan ang mga manonood sa kanilang tahanan ngayong quarantine.
Tampok sa OKS ang mga programang madali at mabilis panoorin at linggo-linggong mapapanood sa oks.abs-cbn.com at ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Magbubukas ang panibagong digital platform ng may kilig at tawanan sa Paligayahin Niyo Ako, isang weekly dating challenge na pagbibidahan ng Ang Lihim Ni Ligaya stars na sina Kit Thompson, Argel Saycon, Raven Molina, at Ivana Alawi. Rito, maglalaban-laban ang mga binata para makuha ang puso ni Ivana at manalo ng isang Zoom date kasama ang dalaga.
Mapapanood ito tuwing Huwebes, 9:00 p.m..
Makakasama rin ang netizens sa kulitan at kamustahan nina Angelica Panganiban, John Prats, Pooh, Jason Gainza, Ryan Bang, at Zanjoe Marudo sa At Home with Banana Sundae tuwing Biyernes, 7:00 p.m..
All-star ang kuwentuhan ni Ruffa Gutierrez sa Love Thy Chika, na makikipagkamustahan siya sa Love Thy Woman co-stars niyang sina Christopher de Leon, Sunshine Cruz, Eula Valdes, Yam Concepcion, Xian Lim, at Kim Chiu. Abangan din ang pagbibigay-saya ng special guest appearance ni Annabelle Rama sa talk show na mapapanood tuwing Linggo. Nagsimula ito kahapon, Mayo 17, 12 NN.
Samantala, full force naman ang barkada ng I Can See Your Voice nina Luis Manzano, Andrew E, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Angeline Quinto, Kean Cipriano, at Wacky Kiray sa online version ng Pinoy bingo sa Bingo Ka ‘Day at nakatutuwa g guessing game sa Hula Who tuwing weekend, 6:00 p.m..
Libreng medical consultation naman ang hatid nina Jodi Sta. Maria at Dr. Suzie Mercado sa Doc Knows Best kada-Sabado ng 11:00 a.m. na nagsimula kahapon, Mayo 16, habang ipasisilip nina Angelica Panganiban, Billy Crawford, at Coleen Garcia ang mga buhay nila bilang pet owners sa KaPET Lang, kada Linggo, 5:00 p.m..
Nagbabalik naman ang trending na tunggalian nina Romina at Daniela sa KG Online, na maghaharap sina Beauty Gonzales at Dimples Romana sa challenges na tungkol sa kalusugan, karunungan, at kagandahan. Ito ay para sa mga napili nilang charity at mapapanood tuwing Miyerkoles simula Mayo 20, 12 NN.
Magiging pambansang kapitbahay ng viewers si Mamang Pokwang sa pagbubukas niya ng pintuan sa mga nangangailangan ng payo at  matatakbuhan ng problema sa Harapan Kay Mamang na mapapanood tuwing Sabado, 4:00 p.m.
Ang Magandang Buhay momshies namang sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada ay papakinggan ang mga sikreto at rebelasyon ng netizens sa Confessions with the Momshies, tuwing Biyernes, 11:00 a.m. simula Mayo 22.
Ibibida naman ng cast ng Pamilya Ko sa pangunguna nina JM De Guzman, Sylvia Sanchez, Joey Marquez, at Maris Racal ang mga kuwento ng iba’t ibang pamilya at mga frontliner sa Pamilya Kowentuhan tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes, 5:00 p.m. simula Mayo 18.
Magbibigay-buhay at katatawanan ang real-life sweethearts na sina Kim Molina at Jerald Napoles sa pagdedebate sa mga napapanahong isyu sa pamamagitan ng rap sa Promdibate, tuwing Lunes, simula Mayo 18, 6:00 p.m..
Samantala, makiki-bonding naman sa kanilang fans ang The Gold Squad nina nina Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes sa official YouTube account nilang may 2.14 milyong subscribers na. Patuloy silang magbibigay ng kilig at tuwa sa pagdiriwang nila ng first anniversary ngayong buwan. Panoorin sila tuwing Martes at Biyernes, 6:00 p.m..
Walang patid din ang mga chika at balita na hatid ni Boy Abunda sa TWBA Express Updates, na idedetalye niya ang mga pinakapinag-uusapang isyu sa showbiz mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 5, 7, at 9 PM.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …