Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BB Gandanghari, sinopla si Robin

NAGTATAMPO si BB Gandanghari sa kanyang pamilya. Noong may lumabas kasing fake news na natagpuan siyang patay sa tinutuluyan niyang apartment sa America, ay hindi man lang siya kinamusta ng mga ito.
Nang makarating kay Robin Padilla ang sentimyento ng nakatatandang kapatid ay ipirating niya rito, sa pamamagitan ng Instagram Live ng asawang si Mariel Rodriguez na mahal nila ito, at huwag na sanang magtatampo.
Dahilan ni Binoe, noong pumasok ang 2020 ay maraminh hindi magandang nangyari sa kanilang pamilya. Ang kanilang ina ay na-bed ridden ng dalawang buwan. Siya naman ay naospital ng mahigit isang buwan dahil sa back injury.
Pero sa pamamagitan din ng Instagram Live, ay sinagot ni BB ang naging pahayag ni Binoe. Hindi niya tinangap ang paliwanag nito.
Sabi ni BB, “Tigilan natin ang public imaging. Tigilan natin ang pagpapaguwapo o pagpapabango at my expense. Love is the most abused word, and I think I can debate with anyone in this world. So, kung love ang pag-uusapan at ganyang klaseng pagmamahal ang sinasabi niyo sa akin at ipinaparamdam niyo sa akin, then maybe this needs a conversation.”
MA AT PA
ni Rommel Placente
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …