SA Facebook Live event na Laban, Kapamilya last week, isa si Kim Chiu sa mga talent ng ABS-CBN na nagpahayag ng saloobin ukol sa pagkakasara ng network sa utos na rin ng National Telecommunications Commission (NTC). Inihalintulad ng aktres ang shutdown sa batas sa classroom.
Sabi niya, “Sa classroom may batas. Bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi,‘pag nag-comply ka na bawal lumabas pero may ginawa ka sa ipinagbabawal nila, inayos mo ‘yung law ng classroom niyo at sinubmit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas.”
Dahil sa nasabi ni Kim, marami ang pumuna sa kanya dahil hindi maintindihan ang sinasabi o paliwanag niya. Kaya naman binash siya, na kung ano-ano na ang sinasabi laban sa kanya. Pero maging si Kim ay natawa na lang dahil sa kanyang pagkompara sa ABS-CBN sa batas ng classroom. Kaya naman humingi na lang ng dispensa ang dalaga dahil sa nasabi.
“Hahaha natawa na lang ako sa sinabi ko about classroom. Nadala lang nge emosyon. Sensya na,” sey ni Kim.
Sa mga paninira kay Kim, dinipensahan naman siya ng boyfriend na si Xian Lim. Sa Instagram post ng aktor, sabi niya, “Kim does not deserve to be singled out and get all the hate she is getting from people in the internet. She is a smart, empathetic person who deeply cares for all the people around her. She cares so much that it scares me.”
Binigyang-diin ni Xian na walang perpektong tao. Lahat ay nagkakamali, tulad ng nangyari kay Kim.
“We are not perfect. No one is. We have our share of mishaps that shake us down to the ground but we learn and we rise back up again.”
Siyempre pa, nagpahayag ng pagmamahal at suporta si Xian para kay Kim:
“My love and support goes out to Kim for being a wonderful human being.”
Umapela rin ang aktor sa mga basher na tigilan na ang paninira sa kapwa at ang sisihan sa mga nangyari.
Panawagan ni Xian: “Tigilan na natin ang paninira sa kapwa dahil hindi ito nakatutulong sa sitwasyon ngayon. Tulungan nalang natin ang isa’t isa sa kahit anong paraan at tigilan na ang pininisi at paninira kay ganito’t ganyan.
“Hindi perpekto ang sistema. Hindi perpekto ang mundo.”
MA AT PA
ni Rommel Placente