Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong, nangutang ng P3-M to P5-M para idagdag sa pambili ng Lamborghini

NAG-PRANK call si Enchong Dee para sa kanyang You Tube channel. Tinawagan niya ang mga malalapit niyang kaibigan na kapwa artista, para mangutang ng P3M-P5M for emergency funds. Hindi kasi nag-o-operate ang restaurant business niya ngayon, dahil sa ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine.

“Hihiram tayo ng pera sa kanila. Titingnan natin kung pahihiramin nila ako or magbi-begg off sila sa request ko,”simulang sabi ni Enchong bago ang prank call.

Una niyang tinawagan si Rayver Cruz. Pero hindi ito sumasagot, kaya hindi niya alam kung makahihiram siya ng pera rito o hindi.

Sumunod niyang tinawagan ay si Enrique Gil. Nang sabihin niyang mangungutang siya, tinanong muna siya nito kung magkano. Ang sagot n’ya ay P3-M to P5-M. Umoo naman si Quen. Kakausapin niya na ang mommy niya.

After marinig ang magandang sagot ni Quen, sinabi ni Enchong na nagpaplano siyang bumili ng lamborghini, isang mamahaling car, at kapos siya ng P3-M to P5-M.

Nagulat si Quen sa sinabi ni Enchong. Kaya napatanong ito ng “ano?”

Roon na sinabi ni Enchong na nagbibiro lang siya, at gumagawa lang siya ng prank video.

Natawa na lang si Quen. Pero sinabi niya na alam niya na maraming pera ang actor kaya nagtataka siya na magagawa pa nitong manghiram.

Nagpasalamat naman si Enchong kay Quen. Nalaman niya na isa talaga itong mabuting kaibigan, na maaasahan kung talagang mangangailangan siya.

Ang ilang pa sa tinawagan ni Enchong para manghiram ng malaking halaga ay sina Maja Salvador, Gerald Anderson, at Erich Gonzales. At ang tatlo, gaya ni Quen ay willing siyang pahiramin.

O ‘di ba, kung totoo palang gipit si Enchong ay may mga kaibigan siyang handang tumulong sa kanya.

Pero si Erich, noong nalaman na joke o prank lang ang panghihiram ni Enchong ay pinagsabihan  niya ito.

Sabi niya, nakukuha pang magbiro ni Enchong to think na ang mga tao ay nababaliw na dahil sa pinagdaraanang pandemic outbreak.

Kung ganyang handang magpautang ng milyon sina Quen, Gerald, Maja, at Erich kay Enchong, iisa lang ang ibig sabihin nito, na mga milyonaryo na sila, ‘di ba?

 

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …