Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Magtagumpay kaya ang ‘Balik Probinsiya’ ni Sen. Go?

ANG “Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa” program na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pamamagitan ng Executive Order 114, ay naglalayong mahinto ang tinatawag na urban migration at tuluyang mabawasan ang populasyon ng Metro Manila.

 

Isa sa mga idinadahilan ng pamahalaan kung bakit naging sentro ng mapamuksang COVID-19 ang Metro Manila ay dahil daw sa mga nagsiksikang pamilya sa mga lungsod lalo na ang mga tinaguriang iskwater na halos lahat ay nanggaling sa mga probinsiya.

 

Si Senator Bong Go ang nagtutulak ng programang Balik Probinsiya, at siyempre matapos na sabihin ng senador kay Digong ang kanyang plano, agad-agad namang sinangayunan ito ng pangulo at mabilis na nilagdaan ang nasabing EO114.

 

 

Sa EO114, sinasabi na kinakailangang siguraduhin ng estado ang balanseng pag-unlad sa bawat rehiyon, at patas na pamamahagi ng pag-aaring yaman at opurtunidad sa pamamagitan ng mga polisiya at programa.  Ang mga programa at polisiya ay nakatuon sa pagpapaunlad ng kanayunan at paglalaan ng sapat na social services, at pagsulong ng malawakang trabaho, industrialization, at pagpapapaunlad ng kalidad ng mga buhay sa probinsya. Whew! Heavy, parang narinig ko na ito!

 

Maganda naman talaga ang layunin ni Go sa kanyang programa, pero kung ang pag-uusapan ay kung paano ito magtatagumpay at maisasakatuparan, ay ibang usapan na ‘yan. Maraming problema at balakid ang kakaharapin ng Balik Probinsiya program at panahon lang ang makapagsasabi kung tunay na magiging matagumpay ang nasabing programa.

 

At dahil nakasentro ang programang  Balik Probinsiya sa mahihirap sa Metro Manila, asahan ni Go ang sunod-sunod na kilos-protesta laban sa kanya na ilulunsad ng mga grupong maralitang tagalunsod na kontrolado ng mga komunista.

 

Kung tutuusin, ginaya lang ni Go ang programang Balik Probinsiya ng mga nagdaang administrasyon at pawang nabigo ang mga ito dahil na rin sa kapabayaan at katiwalian ng mga nagpapatupad ng programa.

 

Isa sa pinakamalalang problema sa Balik Probinsiya program ay ang pagtanggap ng ayuda ng isang pamilya sa mga mahihirap na komunidad na umuwi sa kanilang lalawigan. At pagkatapos na makauwi sa kanilang probinsiya at naubos na ang ayuda, babalik din agad-agad sa Metro Manila.

 

Sabi nga sa Waray… hayahay! Hani na ang mga bakasyunista tikang sa Manila. Irinom na kit, hala igawas an tuba!

 

Kontrolado rin ng mga politiko ang mga nasa mahihirap na komunidad dahil alaga nila ang bawat pamilya lalo na kung dumarating ang panahon ng eleksiyon at kailangan hingin ang kanilang mga boto.

 

At kung sinasabing ang dahilan ng pagdagsa ng mga maralitang pamilya sa Metro Manila ay dahil sa kahirapan sa kanayunan, sana sa pagkakataong ito ay hindi magpabaya ang gobyerno at tunay na maipatupad ang programa lalo na ang pondong nakalaan para rito.

 

Kailangang magkaroon ng tunay na pabahay ang mga pamilyang magbabalik sa kani-kanilang probinsiya at magkaroon ng pangmatagalang pagkakakitaan para sa kanilang ikabubuhay.

 

Kung maaalis lang sana ang korupsiyon o katiwalian sa pagpapatupad ng programang ito, masasabi nating tiyak na magtatagumpay ang Balik Probinsiya program ni Go.

SIPAT
ni Mat Vicencio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …