Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, may fundraising concert para sa mga ina

ISANG espesyal na concert ang handog ni Sharon Cuneta para sa mga ina ngayong Mother’s Day. Ang fundraising concert ay pinamagatang Sharon: Love and Music, A Mother’s Day Special, na mapapanood sa ABS-CBN Facebook, YouTube, at website (ent.abs-cbn.com) sa Mayo 10, 8:00 p.m.

Kasama si maestro Louie Ocampo, maghahatid si Sharon ng gabing puno ng musika sa pag-awit niya ng ilan sa mga pinakasikat na awiting tiyak magdadala ng saya, pag-ibig, at inspirasyon sa bawat tahanan.

Bukod naman sa selebrasyon ng Mother’s day, ang concert ay naglalayon ding makalikom ng donasyon para sa Pantawig ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN, na gagamitin bilang pambili ng pangunahing pangangailangan ng mga mamamayang lubos na apektado ng enhanced community quarantine.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng tulong ang megastar ngayong panahon ng krisis. Kamakailan ay naghandog siya ng P1-M donasyon para sa Bantay Bata 163 sa katatapos na fundraising concert ni Regine Velasquez, at nag-abot din ng P3-M para naman sa kampanya ng aktres na si Angel Locsin para sa mga pangangailangan ng frontliners.

Binuksan ni Sharon ang taon at nagdiwang ng kanyang kaarawan bilang isang Kapamilya matapos niyang mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN noong Enero. Ibinahagi niya rin ang kanyang nakatakdang pagbabalik telebisyon sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …