Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Restos ng Viva Group’s food arm, bukas na sa delivery, takeout, at pick-up

TILA matatagalan pa ang pagkain natin sa labas sa mga paborito nating restoran dahil sa extension ng community quarantine hanggang May 15 sa Metro Manila at iba pang parte sa Pilipinas. Pero hindi naman mapipigilan ang paghahanap natin ng mga masasarap na pagkain.

Kaya naman nagbukas na ang mga kitchen ng boutique restaurant ng Viva tulad ng Paper Moon, Botejyu, PepiCubano, at Wing Zone  para sa inyong mga order para sa delivery, takeout, at pick-up. Matitikman n’yo na muli ang paboritong Mille Crepes, Okonomiyaki, Cuban sandwiches, at full-flavored special wings na matagal na hindi nakakain dahil sa ECQ.

I-tsek lamang ang inyong mga food delivery app na Food Panda, Grab Food, at Lala Food para magpa-deliver ng mga paboritong pagkain mula sa Paper Moon, Botejyu, Pepi Cubano, at Wing Zone.

Para sa Grab Food, Pepi Cubano at Wing Zone, may P50 off sa bawat oordering pagkain gamit ang code na KEEPSAFE50.

Ito pa, kung gagamitin ang Food Panda: may 20% discount plus free delivery mula sa Pepi Cubano at Wing Zone. Sa Paper Moon naman ay may 15% off. At sa Botejyu, ay may 10% discount plus free delivery pa.

Kung gusto mo namang mag-takeout o pick-up transactions, bukas ang kanilang restoran araw-araw, mula 9:00 a.m. to 6:00 p.m. May 10% off pa kayo sa inyong mga food bill.

Kilala ang PAPER MOON na gumagawa ng finest at best desserts sa Japan, na animo’y mamahaling alahas na puwedeng kainin. Ang kanilang masterpiece: ang Mille Crepe, na ang ibig sabihin ay “a thousand crepes,” na may less than 20 delicate, paper-thin handmade crepes layered with heavenly light pastry cream, na mayroong golden caramelized crust sa ibabaw.

Ang BOTEJYU naman ay ang Japan’s premier specialty restaurant specializing in Okonomiyaki (a savory pancake and popular street food sa Japan) at Okosoba (a combination of Okonomiyaki and stir-fry noodles Yakisoba—a very creative to-go food for the Japanese working class)

Sandwich shop naman kung ituring ang PEPI CUBANO na ang specialty ay ang Cuban variety. Ang kaibahan nila– pressed, resulting in a crispy, crunchy flat sandwich that is deceptively thin but is packed with filling—and doesn’t leave you with a trail full of crumbs! Ang signature sandwich nila ay classic combo ng slow-roasted pork, ham, pickles, mustard, at cheese. Para sa mas Pinoy na panlasa, subukan ang Pan de Bistec at Pan De Lechon.

Mula naman sa global brand ng US ang WING ZONE na may 125 outlets worldwide at constant winner sa National Buffalo Wing Festival sa Buffalo, New York, na ang recipe ay nagmula pa roon (ang Wing Zone’s Buffalo Bliss ay ang official flavor sa wing-eating competition!). Ang kanilang signature wing flavors ay ang Tokyo Dragon at Sweet Samurai (inspired by Japanese spices), Thai Chili, classic Buffalo Bliss at ang amped-up cousins na Hot Shot at Nuclear Habanero. Plus 11 other flavors to choose from!

Kaya ‘wag nang papigil sa mga hinahanap na pagkain, order na sa mga Viva International Food & Restaurants Inc, restaurants, ang food division ng Viva Group of Companies.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …