Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, may takot sa pagpapalaki ng anak na si Ellias

SA pag-uusap pa ng magka-loveteam na sina Bea at John Lloyd sinabi ng huli, na natatakot siya para sa anak na si Ellias.

Sabi ni Lloydie kay Bea, “Alam mo sa tooo lang, nalulungkot ako para sa anak ko. Actually hindi lungkot eh, mas takot, Natatakot ako para kay Ellias.”

 Pagkarinig niyon, tanong ni Bea si Lloydie, “Ba’t naman takot?”

 Sagot ni Lloydie, “Natatakot ako kung paano ko siya palalakihin sa ganitong mundo. Natatakot ako na rito ko siya palalakihin sa ganitong estado ng mundo. Iba na ‘yung mundong ginagalawan natin, Bey, eh, iba, ibang-iba na.

 “Nakakatakot, eh. Ang bilis nang mamatay ngayon, eh. Ang bilis nang pumatay. Kaya iniisip ko, matatawag ba talaga nating masuwerte ang mga sarili natin habang ‘yung iba na hindi masuwerte, nababaril lang  ng ganoon sa kalye. Namamatay na lang nang walang kalaban-laban dahil sa sakit.

 “Ako, nahihirapan akong sabihing suwerte ako. Nakakahiya. Parang nakakahiya na masuwerte ka, wala ka namang magawa.”

Sabi naman ni Bea, “Ano ka ba? Feeling mo lang wala kang magawa, pero sa totoo lang, marami tayong pwedeng gawin, tayong mga masuswerte.”

 Pero ani Lloydie, iniisip nga niya kung talagang masuwerte siya na rito niya palalakin sa mundong ito si Ellias.

“Wala akong choice, kasi rito ko kailangang palakihin ang anak ko sa ganitong estado ng mundo, sa ganitong klase ng mundo. Hindi ko alam kung masuwerte pa rin ang tawag doon,” seryosong sabi pa ng aktor.

Nakatutuwa naman si Lloydie, tatay na tatay na talaga ang dating niya. Bilang tatay ni Ellias, iniisip niya ang kapakanan nito, kung paano niya ito mapalalaki ng maayos.

 

 

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …