Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd at Bea, na-miss ang isa’t isa

TRENDING sa Twitterverse ang pag-uusap ng magka-loveteam na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Instagram Live noong Martes, April 27.

Tawa nang tawa si Bea nang makita si Lloydie sa video. Tanong tuloy sa kanya ng aktor kung bakit siya natatawa? Sagot ni Bea, hindi niya kasi alam na marunong ng IG Live si Lloydie. At baka nga mas magaling pa ito sa kanya.

Sabi naman ng ex ni Ellen Adarna, marami pang hindi alam si Bea tungkol sa kanya. Na tinanong naman siya nito ng, “tulad  ng ano?” Pero hindi sinagot ni Lloydie ang tanong ni Bea.

Ang natatawang sinabi na lang nito ay hindi naman sila close.

Pero ayon kay Bea, close naman sila ni Lloydie.

Para patunayan na close sila, pinatanong ni Bea si Lloydie ng tungkol sa kanyang sarili, like kung ano ang favorite color nito? Na ang sagot ng aktres ay wala.

Sa narinig na sagot ay natawa si Lloydie sabay sabing tama ang sagot ni Bea.

Natatawang sabi naman ni Bea, “Sabi sa ‘yo, close tayo  eh.”

Marami pang tinanong si Lloydie kay Bea na nasagot naman nito lahat ng tama. Kaya tawanan sila ng tawanan.

Naging seryoso rin naman ang kanilang usapan.

Pinasalamatan ni Lloydie si Bea sa pagiging supportive nito sa kanya noon.

Ayon dito, alam ni Bea kung kailan siya masaya at kung kailan siya makungkot. At naroon ito noong mga panahong wala siyang matakbuhan at walang makausap.

Anang aktor, kapag binabalikan niya ang lahat, hindi niya alam kung ano sila at kung sino sila para sa isa’t isa.  Pero okay lang, dahil ang mahalaga ay naroon si Bea para sa kanya.

Hirit naman ni Bea kay John Lloyd, “na-miss kita.”

 Na sinagot naman siya nito ng, “name-miss kita.”

 Bago matapos ang pag-uusap nila ay hinarana muna ni Lloydie si Bea. Pagkatapos ay ipinakita niya rito ang anak na si Ellias. Mag-hi raw ito kay Bea.

Sa mga nakapanood ng usapan ng dalawa sa IG Live, ay marami ang kinilig, lalo na ang kanilang mga tagahanga.

 

 

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …