Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seth at Andrea, 21 oras nagvi-video call

HINDI man nagkikita ngayon ang magka-loveteam na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes dahil sa ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine, may communication pa rin naman sila. Sa guesting nila sa Magandang Buhay kahapon, Lunes, sinabi nila na madalas silang nagtatawagan thru video call. At tumatagal ng 21 hours ang pag-uusap nila.

 

“Ang target po dapat ng pag-uusap namin ay hangang 24 hours. Kaya lang nag-hang po ‘yung cellphone namin, hindi na kinaya. Kaya hangang 21 hours na lang po, ganoon,” ang natatawang sabi ni Andrea.

Na sinang-ayunan naman ni Seth na natatawa rin. Sabi niya, “Gusto namin talaga hangang 24 hours.”

 

Ayon pa kay Andrea, “Naka-ilang try po kami roon (na mag-usap ng 24 hours). Nagsimula kami ng 10 hours, tapos 16 hours. Sabi ko, try nga natin ‘yung 24 hours. Wala kasi kaming magawa.”

 

Hindi binanggit nina Seth at Andrea kung ano ang mga pinag-uusapan nila. Pero kung ganoon sila katagal mag-usap, iisa lang ang ibig sabihin nito, na espesyal sila sa isa’t isa, ‘di ba?

 

Well, naniniwala kami na ang pagiging loveteam nila ay posbileng mauwi sa totoong buhay.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …