Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Pabor sa CPP-NPA ang martial law  

KUNG tutuusin, magiging pabor sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kung ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay magdedeklara ng batas militar sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

 

Malaking propaganda sa mga komunista at tiyak na makapagpapalawak ng kasapian ang armadong NPA kabilang na ang mga legal front ng makakaliwang grupo nito kung itutuloy ni Digong ang pagpapatupad ng martial law.

 

Ang batas militar ay kasing kahulugan ng pandarahas, pang-aapi, pang-aabuso at kahirapan base na rin sa naging karanasan ng taongbayan nang ideklara ito noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

 

At sa gitna ng batas militar, madaling samantalahin ng mga makakaliwang grupo ang usapin sa COVID-19 lalo na kung ang pag-uusapan ay palpak na tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa mahihirap na pamilya na kasalukuyang nagugutom dahil sa patuloy na lockdown.

 

Hindi pabor sa pamahalaan kung sa bawat lugar ay makikita ang mga armadong militar at patuloy na nagbabantay kung saan umiiral ang lockdown.  Madaling sabihin sa propaganda ng kaliwa na sinisikil ng militar ni Digong ang karapatan ng taongbayan.

 

Sa kanayunan, higit na paborable na makapaglunsad ng sunod-sunod na pag-atake ang NPA at madaling masisisi rito ang militar dahil na rin sa umiiral na batas militar. Ang usapin sa pagiging abusado ng mga militar ay madaling patampukin sa kanayunan bunga ng mga masamang karanasan nila noong panahon ng diktadurang Marcos.

 

Dalawa ang atake na gagawin ng makakaliwang grupo sa kanilang propaganda laban kay Digong, at ito ay ang pagpapaigting sa usapin ng batas militar, sakaling matuloy ito, at ang palpak na tulong na ibinibigay sa taongbayan bunga ng pananalasa ng COVID-19.

 

Urot at sulsol ang ginagawa ng makakaliwang grupo. Gusto nilang magalit si Digong at sa kalaunan ay magdeklara ito ng batas militar na magiging paborable sa CPP-NPA at mapadali ang digmaang-bayan at sa kalaunan ay mapagbagsak ang pamahalaan ni Digong.

 

Marami rin ngayon ang nagsasabing dapat ay magdeklara ng batas militar si Digong pero ang hindi nila alam ay nagagamit sila ng mga makakaliwang grupo dahil sa kalaunan ang makikinabang dito ay ang CPP-NPA.

 

Kaya nga, hindi natin alam kung tunay na mga kaibigan ang nakapalibot at bumubulong kay Digong na ituloy ang pagdedeklara ng batas militar sa kabila na alam nilang ang tanging makikinabang dito ay ang makakaliwang grupo.

 

Alam din kaya nila na sa pagdedeklara ng martial law, maaaring mapatalsik si Digong sa kanyang puwesto?

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *