Tweet ni Jay, “asymptomatic-you know you have the virus and accepted it. asymptopangit-nagiging kamukha mo na sina PAB Jover at Ogie D. pero di mo pa rin matanggap.”
Sinagot ito ni Ogie ng, “Kung makakadagdag pogi points ke Jay Sonza ang paggamit sa pangalan ko, go lang. Sana, ikagwapo mo at magkaroon ka na din ng pwesto sa gobyerno na matagal mo nang inaasam-asam.
“Pag wala pa ring nangyari, mag-suggest na lang ako sa ‘yo ng pwede mong gamiting tao, ‘yung mas sikat kesa sa akin kasi gustong-gusto kong gumwapo ka at makapwesto ka man lang, dahil awang-awa na ako sa ‘yo. Noon ka pa nagpapapansin, hanggang ngayon, waley pa rin naman.
“Pangit ba talaga ako? Kasi, kung yung itsura mo ang batayan ng kagwapuhan, eh okay na pong pangit ako.
“Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong mala-porselana ang kutis.
Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? Sa ‘yo pa talaga galing, ha? Talaga ba? Hindi nga?
“Bigyan kita ng chance, ha? Pwede pang mag-change ang mind mo, ha? So sa yo pa talaga galing na pangit ako? Ikaw pa talaga ang nagsabi? Sure ka na ba? Hahahaha! .”
MA at PA
ni Rommel Placente