SOBRANG malungkot ngayon si Sen. Bong Revilla dahil namatay na noong Linggo ang isa niyang staff sanhi ng corona virus.
Hindi niya lang kasi ito basta staff, kundi isa ring malapit na kaibigan.
Ang turing niya na rito ay parang isang kapamilya. Kaya naman talagang apektado siya sa biglang pagpanaw nito.
Hindi malilimutan ng senador ang staff/kaibigan niya dahil nakasama niya ito thru ups and down. Hindi siya nito iniwan noong time na dumaan siya sa isang mabigat na pagsubok, noong makulong siya.
Humihiling ang senador ng dasal para rito at sa naiwang pamilya nito.
MA at PA
ni Rommel Placente