Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Mabalasik na virus si Joma

MATINDI talaga ang ‘sayad’ sa ulo nitong lider ng mga dogmatikong komunista na si Jose Maria “Joma” Sison.

Sa gitna kasi ng krisis na kinakaharap ng taongbayan dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19, nagawa pa niyang talikuran ang panawagan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na magpatupad ng tigil-putukan o ceasefire.

Palibhasa ay masarap ang buhay na tinatamasa sa The Netherlands, walang pakialam si Joma kung tamaan man ng COVID-19 ang kanyang mga ‘kasama’ rito sa bansa lalo ang  mga NPA na patuloy na gumagala at pakalat-kalat sa mga kanayunan.

Hindi alintanan ni Joma ang hirap na dinaranas ng taongbayan dulot ng COVID-19. Ang mahalaga lang sa kanya ay maipatupad ang kanyang direktiba sa mga bulag na sumusunod sa ideolohiya ng komunismo at ipagpatuloy ang mga pagkilos at propaganda para maisulong ang digmaang bayan.

Kung matino lang kasi ang pag-iisip nitong si Joma, hindi na sana ipinag-utos sa NPA ang all-out war laban sa gobyerno at sa halip nagpatupad din ng pansariling tigil-putukan o unilateral ceasefire.

Kung nagkaroon kasi ng tigil-putukan sa magkabilang panig, malaking tulong ito sa mga health workers na ligtas at malayang makapapasok sa mga kanayunan na kontrolado ng NPA maging ang mga dala-dalang medical supply at pagkain na madaling maipamamahagi sa mahihirap na mamamayan.

At ganoon din naman sa pamilya at kamaganakan ng mga NPA na makikinabang sa tulong na ibibigay ng gobyerno para matiyak na ligtas sila laban sa COVID-19.  Ibig lang sabihin nito, lahat ay panalo kung ipinatupad ng NPA ang ceasefire sa panahon ng lockdown.

Pero si Joma na talaga ang problema. Lumabas na parang isang napakasamang virus ang inaasal ni Joma sa gitna ng malaking problema ng bayan. Kung ano-anong akusasyon ang mabilis na binitiwan at kasinungalingan daw ang panawagang tigil-putukan.

Kaya nga, kung ganito ang postura ni Joma na laging naghahamon ng gera, mabuti pa talagang durugin nang tuluyan ang mga NPA pati na ang legal fronts ng mga komunista na patuloy at malayang nakapanggugulo sa gobyerno.

Taongbayan na ang binabangga ni Joma at hindi nakatutulong ang mga komunista sa pagsugpo laban sa COVID-19. Ginagamit pa nila ang usapin ng ‘lockdown’ para tuluyang mapabagsak si Digong sa kampanya nito laban sa paglaganap ng nasabing virus.

At sa darating na Linggo, Marso 29, ika-51 anibersaryo ng NPA asahang maghahasik ito ng lagim sa mga lalawigan sa gagawing ambuscades sa mga militar habang nasa gitna ng malaking problemang kinakaharap ang bayan kontra COVID-19.

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …