KASAMA si Sanya Lopez sa pelikulang Isa Pang Bahaghari, na pinagbibidahan ni Nora Aunor. Gumaganap siya rito bilang isang GRO (Guest Relation Officer).
Paano ba pinag-aralan ni Sanya ang kanyang role?
“Hindi ko naman alam kung paano talaga mapag-aaralan ang pagiging pokpok. Pero ang ginawa ko na lang po,kung ano ‘yung nararamamdan ko, ano ba ‘yung bilang isang pokpok? Hindi naman dahil pokpok ka, kailangang magmukha kang malandi. Bakit mo ba ginagawa ang pagiging pokpok? Ano ba ang mga dahilan ng pagiging pokpok? So ‘yun po ‘yung mga pinag-aralan ko sa character ko.”
First time nakatrabaho ni Sanya si Nora. Puring-puri ng una ang huli.
“First time ko siyang nakatrabaho, napaka-professional talaga. Roon ko nakita na kapag acting, kailangang prepared ka na. At saka may respeto siya sa oras,” sabi ni Sanya tungkol kay Nora.
Aminado si Sanya na nai-intimidate siya kay Nora.
“Honestly po, hindi nawawala ‘yung kaba. Nai-intimidate rin ako, kasi of course ate Guy ‘yan. Superstar ‘yan. So sabi ko,hindi ko man mapantayan, eh sana, mapalapit man lang ako sa acting niya. So, sana po ay magustuhan nila. At saka, nag-a-advice naman po si ate Guy.”
Ano ang mga ina-advice sa kanya ni Nora?
“Basta ano lang, pagbutihan mo lang sa lahat ng ginagawa mo. Napakasimpleng tao lang ni ate Guy, walang kaarte-ate. Kaya bilib ako sa kanya, na sana balang araw, maging katulad din po niya ako. Siguro hindi lang naman po ako, halos lahat ng artista eh gustong makatrtabaho si ate Guy.”
Ang Isa Pang Bahaghari ay mula sa direksiyon ni Joel Lamangan. Isa ito sa entry sa 2020 Metro Manila Summer Film Festival.
MA at PA
ni Rommel Placente