Sunday , December 22 2024

Supply ng pagkain ‘di sapat kapag ‘no work no pay’

PAHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI), sapat ang supply ng commodities partikular ang mga bigas kaya walang dapat ipag-alala ang taong bayan at ‘di dapat mag-panic buying dahil sa idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte nang isang buwan na lockdown.

Pero ang tanong ng bayan, paano na ang mga manggagawa na “No work No pay!?” Gaya ng mga nagtatrabaho sa nightclubs, beerhouses at iba pa? Hindi naman puwedeng buksan ang mga pang-gabing business.

Ang mga nightclubs, beerhouses, KTV ay may mga empleyado rin at may mga sinu­suportahang pamilya.

Nganga ang mga pobre dahil inaasahan ang gabi-gabing kinikita at kadalasan umaasa sa mga tip ng kostumer!

***

Ang masakit pa sinundan ito ng pagkakaroon ng curfew sa lansangan, sabi ng mga manininda, inaasahan nilang mga empleyado na umuuwi pagkatapos ng trabaho in last minute bago sila magsara ay nakahahabol pa ng bibilhin.

Walang ini­wan sa Martial Law ang naga­ganap sa ating bansa. Sobra na! Overacting. Samantala itong mga politiko ang kung sino-sino ang na­kaha­halu­bi­long tao.

Hindi apek­tado ang construction workers, mga empleyado ng gobyerno dahil tuloy ang kanilang suweldo pero walang mga overtime kaya magiging mabagal ang proseso!

Ang mga politiko, makaliligtas sa pagbibigay ng mga abuloy sa araw-araw na pag-iikot sa mga nakaburol na patay. Masaya ang mga misis ng tahanan dahil ang mga mister ay hindi na masasabit sa mga inuman o yakag ng mga barkada. Bagama’t may advantage ang curfew, mas marami ang disadvantage.

Napag-aralan ba maigi ng Metro Manila Mayors ang masakit na epekto ng curfew?

Oo, nag-iingat ang lahat hindi kaya mas marami ang mamatay sa gutom? Gaya ng sinasabi ko na mga empleyadong “no work no pay.”

Mayroo bang alternative na tulong pinansiyal ang local government sa apektado? O nganga na lang?

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *