Sunday , December 22 2024

Chinese occupation posible?

NANAWAGAN si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa Kongreso na magpasa ng batas para maging legal ang Philip­pine Offshore Gaming Operation (POGO) ng mga Genuine Intsik (GI) sa bansa.

Sabi ni Digong, “I want it legalized. If they can pass a law about POGO, fine, go ahead. Supervise it by law. Hindi kami (Not us).”

Katuwiran ni Digong, kaya pinapa­yagan niya ang illegal operation ng POGO dahil kailangan ng gobyerno ang pondo, aniya:

“We are not justifying it. We are just saying that it is allowed because we need the funds.”

Maliwanag na kaya hinihiling niya ang pagpasa ng batas ay labag sa batas ang pamamayagpag ng mga illegal na POGO na ipinasok ng mga GI sa bansa.

Ibig sabihin, aminado si Digong na siya mismo ang tutol na ipatigil ang talamak na POGO at inaamin na binasbasan niyang magpatuloy kahit pa ang operasyon ng mga ito sa bansa ay illegal.

Parang sinabi na rin ni Digong na puwedeng magpasa ng batas ang Kongreso para maging legal ang illegal basta’t pagkakakitaan ng gobyerno.

Papayag naman kaya si Digong sakaling may mga mambabatas na “ta-bo-go” (tanga, bobo at gago) ang maghain din ng panukala na maipasa sa Kongreso ang leagalisasyon ng iba pang illegal na bisyo, tulad halimbawa ng ilegal na droga na puwede rin mag-akyat ng limpak na koleksiyon para sa gobyerno, aber?

Ang anomang bagay na mali, kailanman ay hindi maaaring maging tama dahil hindi mababago ang katotohanan.

Sabi nga, ‘the end does not justify the means.”

Bukod diyan, hindi tugma ang sinasabi ni Digong sa inilabas na ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na noong nakalipas na buwan ng Pebrero ay umaabot sa P50-B ang halaga ng utang sa buwis ng mga POGO na kanilang hindi binaba­yaran sa gobyerno.

Bakit ba ipinipilit ni Digong ang mali sa illegal na pamamalagi’t pagpasok ng mga GI dito sa ating bansa na labag sa kagustohan ng mga mama­mayan?

Marami ang nababahala na ‘taktikang-pusit’ lang ang mga POGO at pantakip lamang sa tunay na pakay ng lubusang pananakop ng China sa ating bansa.

Duda ang sambayanan na hindi basta ikokompormiso ang seguridad ng ating bansa at mamamayan sa Visiting Forces Agreement (VFA) kung hindi gayon.

Bukod pa riyan ang bilang ng People’s Liberation Army (PLA) ng China at mga Intsik na nakapasok sa bansa dahil sa visa upon arrival (VUA) at ‘pastilyas’ raket ng mga kawatang opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na inihahanapbuhay ang kahudasan sa bansa at mamamayan.

Paano kung isang araw ay magising na lang tayo na wala na pala tayong sariling gobyerno at maulit ang pangyayari noong World War II (WWII) – at ngayon ay sa pananakop naman ng mga dayuhang Intsik?

Ang pagkakaiba lang noon ay disimulado at paunti-unti lang pagpasok ng Japanese military dito, kompara sa pagdagsa at patuloy na pagdami ng mga Intsik ngayon sa ating bansa.

Gayon pa man, pagputok ng WWII ay mabilis na naideklara ang pananakop ng mga Hapones na hindi natunugan at napaghandaan ng sambayanang Filipino.

Kompara noon, mas nakababahala ang pagdami ng mga Intsik sa bansa na kung tutuusin ay higit pa kaysa pinagsamang bilang ng mga kawal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa bilang pa lang ng mga Intsik na nakapasok dito, mistulang naghihintay na lang tayo kung kailan opisyal na maidedeklara ang Chinese occupation at kung sino ang puppet o manyikang pangulo na kanilang itatalaga sa bansa.

Bale ba, halos lahat ng ating shoreline at hangganan ng ating mga karagatan ay naipagbili na sa mga Intsik na suspetsang nagpapanggap lang na mga trabahador ng POGO.

Sino ang nakababatid kung ano ang nasa loob ng mga bagong gusali na inookupahan ng mga GI na pawang mga kadugo rin nilang dumayo rito ang nagtrabaho para maitayo?

Ang matatamis na papuri ni Digong sa mga Intsik na pinayagan niyang maghasik ng lagim sa bansa ang pahiwatig ng ating mga pangam­ba.

Dapat tayong magsuri, magmatiyag at makiramdam!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *