NAGBABA ng lockdown ang Wack Wack Golf and Country Club sa lungsod ng Mandaluyong simula kahapon, 11 Marso, matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-2019 ang isang banyagang guest ng isa sa mga miyembro nang makauwi sa Singapore.
Sa isang sulat na ipinadala ng Wack Wack sa kanilang mga miyembro noong Martes, 10 Marso, sinabi ng Presidente nitong si Lawrence Tan, ang pansamantalang pagsasara nila ay upang makapaglinis at makapag-disinfect sa establisimiyento upang maseguro ang kaligtasan ng lahat.
Ayon sa mga ulat, dinala ng miyembro ng Club ang kaniyang guest noong 2 Marso at nabigla nang malamang positibo ang bisita sa COVID-19 pag-uwi niya sa Singapore kinabukasan.
Bagaman hindi gumamit ng locker room, nag-alala ang member host sa posibilidad na mahawa ang ilang mga tauhan at empleyado ng Club na nakasalamuha ng kaniyang bisita.
Isinailalim sa quarantine ang dalawang caddy na nagsilbi sa miyembro at kaniyang bisita kasama ang dalawa pang ibang caddy na nakasama niya sa flight.
7 SA 33 COVID-19
PATIENTS RESIDENTE
NG SAN JUAN
— MAYOR ZAMORA
KINOMPIRMA ni San Juan City Mayor Francis Zamora noong Miyerkules, 11 Marso, na pito sa 33 pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa ay pawang mga residente ng lungsod ng San Juan.
Sa siyam na bagong kasong inianunsiyo noong Martes, 10 Marso, dalawa sa kanila ay mula sa naturang lungsod.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) na ibinigay ni Zamora, mula sa Barangay Greenhills ang 62-anyos lalaking pasyente, habang taga Barangay Matunas ang 28-anyos babaeng pasyente, na kapwa naka-admit sa isang pribadong pagamutan sa lungsod ng Pasig.
Nabatid, ang limang iba pang pasyente ay mula sa mga barangay ng Greenhills, Little Baguio, West Crame, at Corazon de Jesus.
Lima sa pitong kaso sa lungsod ay napag-alamang walang travel history sa labas ng bansa.
Dagdag ni Zamora, taga-Cainta ang isang 62-anyos pasyenteng nasa kritikal na kondisyon at madalas umanong magpunta sa isang pook-dasalan sa Greenhills.
Unang lokal na kaso ng COVID-19 dahil walang travel history ang pasyente at naitala din ang kaniyang asawa na unang pasyente sa local transmission.
Kaugnay nito, sinimulan ng pamahalaang lungsod ang paglilinis at disinfection program kabilang ang canon at turbo misting sa mga paaralan at mga kalye sa Barangay West Crame.
CURFEW PAIIGTINGIN
SA MGA ESTUDYANTE
— NCRPO
SA GITNA ng suspensiyon ng mga klase sa Kamaynilaan, sinabi ni P/Maj. Gen. Debold Sinas, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon, 11 Marso, pauuwiin ng mga pulis ang mga menor de edad na makikitang nagpupunta sa matataong lugar na walang kasa-mang matanda.
Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng mga klase sa lahat ng antas sa buong Kamaynilaan mula Martes, 10 Marso hanggang 14 Marso, Sabado bilang preventive measure laban sa posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dagdag niya, mahigpit nilang ipatutupad ang curfew para sa mga menor de edad (18 anyos pababa) mula 10:00 pm hanggang 4:00 am.
Ani Sinas, nakasala-lay sa bawat lokal na pa-mahalaan ng mga lung-sod ang eksaktong oras ng curfew, ayon kay P/Maj. Britz Estadilla, tagapag-salita ng NCRPO.
Nananawagan si Si-nas sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak.
Isinailalim na rin ng NCRPO sa heightened alert status ang Metro Manila upang masegurong mapigilan ang pagkalat ng virus.
(A. DANGUILAN)